sebenti payb

4 0 0
                                        

🎶Sometimes I run. Sometimes I hide. Sometimes I'm scared of you.

--

D R A K E ' S  P O V

I'm so excited. This is the best day of my life.

Pinadalhan ko ng mga isusuot nila ang mga taong importante sa buhay ko.

Sana talaga umattend sila lahat.

After how many months of training. Eto na. Makikita ko na ulet ang pamilya ko. Makakasama ko na si Courtney. Yiiieh.

"Are you ready?" Tanong sa akin ni Tito Drei na kapatid ni Daddy anh tumulong sa akin para makamit ang pangarap ko.

"Yes,Tito Drei. I owe you a lot." Sagot ko.

"Ikaw talagang bata ka. Grabe mo pinag-alala ang Mommy at Daddy mo. Paniguradong lagot ka dun." Sabi nya.

"Kailangan yun Tito. Sila naman nagmotivate sa akin para gawin 'to eh." Sagot ko naman.

--

8am.

Marami na ang bisita sa labas ng restaurant. Sana nandun si Courtney. Sana din nandun na sila Mommy at Daddy pati na din si Kuya.

"And now, we're calling the owner of The Kahit Saan Restaurant. Mr. Drake Bautista." Sabi nung MC.

Nakita ko pa kung paano nagulat si Mommy at Daddy nung nakita ako.

"Good morning everyone. Thank yiu for coming to the soft-opening of my very first business." Sabi ko hinagilap ko naman si Courtney pero wala. Hindi ko sya makita.

"This will not be possible without Tito Drei Bautista. Thank you for helping me thru my adulting journey."

Nasa gitna na ako ng talumpati ko ng biglang dumating ang isang kotse at si Courtney ang bumama doon. Yung mata ko parang naging puso nung makita ko sya. Bagay na bagay sa kanya ang peach suit. Mukha syang elegante. All eye on her too.

"Thanks for coming Ms. Courtney Anne Gutierrez your attendance is very much appreciated. Let me tell you a story about this 'The Kahit Saan Restaurant' Last year I made a decision that will definitely change my life. A good change I guess. Last year, I ask a beautiful lady on a date. At dahil sa matinding pangungulit ay napapayag ko naman sya. Nung tanungin ko sya kung saan nya gusto pumunta ang sagot nya ay 'KAHIT SAAN' Nung tinanong ko sya kung san nya gusto kumain ay ang sagot nya ay 'KAHIT SAAN' that's why I came up to this name of restaurant." Natawa naman ang mga bisita ko. Lalo na si Courtney na para bang namumula. Ewan ko kung nahihiya o kinikilig eh.

"I know.. hindi lang ako ang may problema ng ganoon. Kadalasan sa mga babae ay ganoon ang sagot kaya naisip ko na yun ang magiging sagot sa hirap ng mga lalaki o kahit sinumang tao na sinasagutan ng 'Kahit Saan'.. Sakit talaga sa ulo yung babaeng yun sa akin dahil sa kanya.. pinagalitan ako ng Mommy ko nung umuwi ako galing sa date namin. Doon talaga ako nakaramdam ng matinding hiya. Hindi ako galit sa parents ko.mxi Hello Mr. And Mrs. Bautista. Thank you for coming. I know you miss me and I miss you both." Bati ko pa sa parents ko.

"Ako kasi yung tipo na happy go lucky. Lahat ng mga kaibigan ko ay may mga trabaho na ako na lang ang wala. Kaya sabi ng Mommy ko hindi ba ako nahihiya sa nililigawan ko? Sya may trabaho at ako naasa pa din sa allowance na binibigay sa akin ng parents ko. Kaya eto ako ngayon, nagsumikap.. para sa mga mahal ko sa buhay. This is all for you Mom and Dad." Sabi ko at doon na lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako. Si Daddy naman ay kinamayan ako.

Lahat naman ay na-touch sa aking story. Si Courtney naman ay pumapalakpak lang sa malayo. Sila Kai at Sam din ay kakarating lang. Magkakaibigan nga sila. Laging late.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon