Why don't you love me the way I love you? 🙍🙍--
Daven's PoV
Sa paanong paraan ko mapapatunayan sa kanya na wala naman akong ginagawang mali??
Inosente ako.
To: Drake, Sam, Kai and Badj
Guys, I really need your help. Can we meet? Yung hindi alam ni Courtney.
Agad naman sila sumagot.
From: Kai
Omiiiiiigaaaaad!! Magpopropose ka na sa pinsan ko?? 😱😱
Propose naman agad?? Hindi pa nga nagiging kami eh.
From: Drake
Count me in Kuya.
From: Sam
Mag-uusap pa tayo ng masinsinan. Usapang lalaki brad.
--
Meeting place.
Si Kai tuwang-tuwa sa akin. Si Sam mukhang iritable. Si Badj mukhang badtrip. Si Drake naman parang may binabalak wala namang alak.
"Let me explain my side first, hindi ko niloko si Ney at wala akong balak. Hindi ko sila pinagsabay. Nagkataon lang talaga na nakasabay ko si Tine pabalik dito sa Pinas. I even ask her why she's there. Ang sabi nya kumukuha sya ng concept dun para sa itatayo nilang restaurant so I guess wala naman yun kinalaman sa akin dahil nung nasa SG ako puro plano ang kaharap ko."
Tumatango-tango na lang si Sam. Si Kai naman takang-taka. Hindi nga siguro nya alam. Pinaliwanag naman sa kanya ni Sam. Balak na nga ako sugurin base sa maling kwento.
"So please, help me mapaniwala lang si Ney na hindi ko sya niloloko."
"So you want us to tell her 'hindi sya manloloko bes. Hindi nya kayang gawin yun' like duh." Sabi ni Sam.
Naiintindihan ko naman sya kung bakit sya ganyan. Hindi din biro ang feelings nya kay Ney tapos malalaman nya lang na niloloko ko which is wala namang katotohanan.
"Hindi ganun. Gusto ko lang humingi ng idea sa inyo kung pano nya ako mapapatawad."
"Lambing." Sabi ni Badj na halata pa din na badtrip hanggang ngayon.
"Yan naman kailangan ng mga taong galit. DIBA?" dagdag pa nya na para bang pinaparinggan si Kai.
"Oo tama. Lambing lang katapat nun. At fooooods." Pagsang-ayon naman ni Kai. Na para bang balewala sa kanya yung sinabi ni Badj. At hanggang ngayon ay hindi maalis ang tingin sa akin. Don't tell me pinaglilihihan nya ako.
"Haaaay. Alam ko sensitive ang buntis hindi numb. Tss." Bulong pa ni Badj.
"Fiesta next week. Yun dun ka gumawa ng way." Suggestion ni Drake.
"Bright idea Drake. Naalala ko pa nung fiesta nung 4th year pa lang kami. Yung kiniss ni Drake si Ney. Yun ganern gawin mo. Hingi ka kayang maitim na balak kay Drake." Sabi ni Kai.
"Grabe ka naman. Aksidente yun. Hindi ko pinlano yun." Depensa ni Drake.
"Chereet lang naman."
Maganda nga namang idea yun. Kukuntsabahin ko na lang ang mga organizers. I will make sure na dapat present si Ney sa pyesta.
--
Nagpunta kami sa chapel para lang kausapin ang mga organizers.
Nadatnan namin dun sila Tine kasama ang iba pang choir members. Hindi naman ako na-inform about this meeting.
"Oh pre! Kamusta si Courtney?" Bungad naman sa akin ni Ram.
Hindi naman ako nakasagot agad dahil lahat sila nakatingin sa akin. And I don't know what will I answer cause honestly speaking I don't know if she's okay now.
"Kawawa naman si Courtney. Kung alam ko lang na sya pala yung biktima nung rapist na yun, sana tinulungan namin ni Mona." Sabi naman ni Tine.
Nagtaka naman kami. Rapist daw?
"Akala kasi namin cheap na magjowa lang na nagchuchuchukchakchenes sa kanto." Sabi ni Mona. "Pero baka naman nagbigay din sya ng motibo kaya nagkaroon ng guts yung rapist. " Dagdag pa ni Mona na kinainit ng ulo ko.
"Naturingan kang servant pero ganyan ang ugali mo. Tss. Hanggang ngayon hindi ka pa din nagmamature. At saan naman galing yang rapist issue na yan." Sabi ko na sinang-ayunan naman ni Drake.
Lahat sila na nasa chapel ay napatingin sa magkatabing si Tine at Mona.
"Sabi na nga ba. Bakit kailangan nyo siraan ng ganyan si Courtney? Ganyan na ba kayo ka-insecure sa kanya. Oo something bad happen to her pero hindi tamang gumawa kayo ng issue. Naholdap lang si Courtney, hindi na-rape. At buti na lang dumating si Daven to save her. Inggit na naman kayong dalawa??" Sabi naman ni Kai.
"FYI lang ha. Si Courtney nagpapagaling na sa bahay nila baka naman kung anu-anong issue ang gawin nyo." Sabi naman ni Sam.
"Bakit nyo pinagkakalat na na-rape si Ney? Para dumumi ang tingin ng mga tao sa kanya. Tss! You fail girls. Humanga pa nga ako sa kanya dahil naipagtanggol nya pa sarili nya. Eh kung sa inyo kaya mangyari yung nangyari sa kanya. Panigurado hindi man lang kayo makakapalag sa holdaper." Sabi naman ni Drake.
--
Thanks for reading loves 😘😘
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...