tweni nu

11 2 0
                                        

Hahaha parang ngongo lang. Pero twenty two talaga yan.

Enjoy reading.

Mwaah.

--
Daven's PoV

Medyo madami na akong naiinom, pero ewan ko ba parang ang taas ng alcohol tolerance ko ngayon.

Oo problemado ako, pero parang ang saya ko. Hindi ko maintindihan sarili ko.

Sabi nga nila pag may birthday ang birthday celebrant ang hindi malalasing. Pero hindi naman ako ang may birthday.

Dahil lang siguro masaya ako sa di alam na kadahilanan.

After what happen sa Restroom, actually nag-alala lang talaga ako kay Courtney kaya pumasok ako.

Niyakap ko agad sya without knowing the reason. Nakikita ko kasi syang nahihirapan.

Pero tae para tuloy akong manyak, nasusuka lang pala sya tapos napagkamalan pa kaming gumagawa ng kababalaghan dun. Buti na lang pinsan nya yung nakakita sa amin. Sya na siguro bahala magpaliwanag dun.

Nag-inom ulet ako, gusto ko talagang makalimot kahit saglit lang. Gusto ko ma-occupy ng espiritu ng alak yung utak ko. Para naman may dahilan ako para gawin yung gusto ko.

Next week, graduation ko na. Pero parang hindi ako fulfilled. Oo masaya ako na magiging proud sila mommy at daddy but that's not my choice actually. I don't want to be an engineer. Ayoko magtrabaho someday sa mga sites. Ayoko gumawa ng mga komplikadong plano. Sakit sa ulo ehh.

Pero wala akong choice kailangan kong sundin ang gusto ni Mommy. I don't want to disappoint her but I promise to myself that right after I finish studies I will do everything I want.

And I'm starting it right now, marcha na lang naman ang kulang ehh.

Kaya ngayon, nagpapakasaya ako kasama ang mga taong gusto ko. You know who I'm pertaining to.

Masaya ako pag kasama ko sila, walang arte. Basta masaya lang. Hindi ko din ma-explain ehh. Over the four years na magkakaibigan kami, sa kanila ko nakita yung happiness na akala ko sa hershey's lang makukuha.
Hindi sila katulad ng iba kong kaibigan na sa gimik lang sumasaya. I know they are kinda nerdy sometimes dahil puro pag-aaral lang ang inaatupag. Parehas lang naman kami.

Ngayon, gumigimik na din sila and they deserve it din naman siguro dahil sa hardwork na ginagawa nila sa pag aaral.

Si Kai, lasing na naman. Si Courtney naman, after uminom ng bloody mary tumagay ulet. Masaya ako na bati na sila ni Drake. Para talaga silang aso't pusa.

"Pre, hatid ko na 'to si Kai. Pwede ba ikaw na lang maghatid kay Courtney. Hindi ko kakayanin dalawa ehh." Sabi sa akin ni Badjie.

"Sige men, hihintay-hintayin ko na din si Sam sabi nya babalik sya ehh." Sabi ko.

Pero sana ako na lang, I just want to be with her. Yung dalawa lang kami. Wala akong balak na masama sa kanya hindi katulad ng iniisip nyo.

Mga 30 minutes pa, bago ko sya niyaya umuwi. Ang tagal kasi ni Sam.

"Hindi na ba natin hihintayin si Sam?" Tanong nya.

Ayaw nya na ata sumabay sa akin. Baka natakot na sya sa akin nung niyakap ko sya kanina. T_T

"Ikaw? If you want to wait for him that's fine with me." Sagot ko na lang.

Baka ayaw nya na talagang sumabay sa akin. Kaya nag-inom na lang ulet ako.

Lumapit naman sa akin si Mona.

"Kuya, hatid mo naman ako sa dorm ko please." Sabi nya sa akin.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon