I don't know but. I think I maybe fallin for you. Droppin so quickly. Maybe I should keep this to myself.
---***---
Sam's PoVNilayo ko si Courtney dun sa babaeng yun. I know she's very powerful. Madami syang alagad na pwedeng manakit kay Courtney.
I called Courtney "bae" dahil balita ko may gusto sa akin 'tong babaeng 'to. Tss hindi ko sya type.
Si Courtney ba type ko?
I'm a bit confused nung nakita ko sya nung first day na nagpunta sila sa dorm para mag-inquire.
Yeah, dun pa lang napansin ko na sya. Ewan ko ba? Parang nagsstand-out yung beauty nya.
Yung tipong, kung magpapasurgery ako mukha nya yung gusto kong ipagaya.
Yerp, aamin na ako. Bi ako. Bi pa lang naman. Nagkakagusto ako sa babae like Courtney. Nagkakagusto din ako sa lalaki. Geeesh! Nakakahiya.
Pero? Bakit ba ako mahihiya? Wala naman akong ginagawang masama. Hindi naman ako yung tipo ng bakla na nanghaharass ng lalaki. Hindi din ako yung tipo ng bakla na namimigay ng pera para lang maka you know... chorva.
I'm not like that. Malinis pa din ako. Hindi din ako cross-dresser so that people will not judge me.
I'm staying who I am. It's just that, I'm not yet decided kung ano ba talaga ako?
Siguro magulo lang talaga ngayon ang utak ko, ako pa lang ang nakaka-alam na bi ako. Hindi ko pa naranasan na mag-share sa iba dahil feeling ko wala akong mapagkakatiwalaan. Feeling ko din, ipagkakalat nila na bakla ako para pagtawanan ng ibang tao.
Pero iba sila Courtney nung nakita ko, parang tipong sila yung napagkakatiwalaan ko. Yung hindi ako tatawanan pag sinabi ko sa kanila na bakla ako. Feeling ko sila yung tatanggap kung ano talaga ako.
I will protect them as long as I can, dahil alam kong bago pa lang sila dito sa Manila. Hindi nila alam ang takbo ng utak ng mga tao dito.
They are too good to trust people around them. Pero nakita ko din na palaban si Courtney mas lalo na si Kai. Pero di nila alam kung paano gumanti ang mga bitches.
Pagpasok namin, andun na naman sila Drake.
Ewan ko ba? Bakit ba lagi na lang nandito yung tropa nila. Dati naman hindi. Araw-araw na lang nilang binubwisit yung mga kaibigan ko.
Minsan nga gusto ko na lang kaladkarin yung dalawa para hindi na nila mapansin yung mga lalaking nang-aasar sa kanila.
Feeling ko type nila si Courtney. Akbayan ko kaya.
"Courtney, what do you want to eat later?" Tanong ko sa kanya sabay akbay.
"Aahhhm.. I'm craving for isaw." Sagot naman ni Courtney.
-_-||
Yun lang. Weird nitong babaeng 'to ehh. Keganda ganda ang hilig sa isaw. Di sya nahihiya kumain ng isaw in public. Yung tipong sarap na sarap pa sya hilahin ng bibig nya yung bituka ng manok. Yiiikes.Buti na lang hindi nya na napansin yung Breezy Boys. At hindi na rin nagkaroon ng chance na asarin sya ng mga yun.
Pagpasok namin sa school, eto naman si Mitch at yung manggugulo ngayon.
Si Mitch yung bitch na nakasagutan ni Courtney kahapon.
"Hoy! Babae! Kala mo ba papalampasin ko na lang yung sinabi mo kagabi?" Sabi ni Mitch kay Courtney.
Naku naman! Away na naman. Tsk. Bakit ba napakawarfreak ng mga tao ngayon?!
Nilagpasan lang sya ni Courtney. Pero hinila ni Mitch yung braso nya. Alam ko malakas yung pagkakahila nya at napansin ko din na bumaon yung mapupulang mahabang kuko nya.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
РазноеHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...