I wanna show the world the you inside
Raise your voice and close your eyes.
Cause you're beautiful.---****---
Drake's POV
Nung binalita sa akin ni Kuya yung nangyari kay Courtney, dali-dali akong pumunta kung san sya naka-confine. Kasalanan ko na naman kung bakit sya nasasaktan.
Grounded ako tapos may mangyayari pa din palang masama kay Courtney. Sinakripisyo ko kalayaan ko tapos ganito din pala mangyayari, sana nagmatigas na lang ako.
Malamang si Mona ang may kagagawan nito. Tinuring kong kapatid tapos ganito lang gagawin nya.
'@$%&:*&:! Gaganti ako sa kanya. Ipaghihiganti ko yung ginawa nya kay Courtney.
Pagdating ko sa hospital, natutulog pa si Courtney.
"This is all your fault bro, you must be responsible for this." Bulong sa akin ni Kuya Daven.
Pati sya alam na. Hindi naman ako ang may kasalanan. Pinagtanggol ko lang naman sya, I want to protect her kaso grounded naman ako dahil sinumbong ako ng walanghiyang Mona na yun.
"We better talk Kuya." Sabi ko sa kanya. Alam kong sya naman ang makakatulong sa akin dahil alam kong galit sa akin si Courtney pati mga kaibigan nya.
Kinuwento ko nga kay Kuya yung nangyari. Sinabihan ko din na sya muna ang magbantay kay Courtney at gugulpihin ko lang si Mona.
Pinuntahan ko si Mona sa school namin. As usual kasama nya ang mga tropa nya.
Hinigit ko sya sa braso, galit na galit talaga ako sa kanya after seeing Courtney suffer that way.
"Wag kayong makelam dito!! Umalis kayo dito!" Sabi ko sa mga muntanga nyang tropa.
Nagsi-alisan naman sila. Marunong din naman pala matakot.
"Why do you need to do that to Courtney?"
"Dahil hindi kayo pwede sa isa't isa. Isipin mo na lang sasabihin ng ibang tao pag nalaman nila na kay Courtney ka lang babagsak."
Sinampal ko sya. Wala na akong pakelam kung babae pa sya.
"Watdapak! Isipin mo nga, kayo ba? Mayaman ba kayo? Kadugo ba namin kayo? Umangat lang kayo ng konti sa buhay ganyan na ugali mo. Baka lang nakakalimutan mo MAHIRAP lang din kayo nung hindi pa kayo tinutulungan ni Daddy. Tapos ganito gagawin mo, handa kang manakit ng tao dahil lang sa hindi sila ganun kayaman."
Nanggigil na talaga ako sa kanya. Pinipigilan ko lang sarili ko na gawin syang punching bag.
"Sakit mo magsalita ahh. Hindi ko naman gagawin yun kung hindi inutos ng mommy mo."
O___o
Si Mommy na naman. Hindi ba ako pwedeng sumaya. Kailangan bang mayaman na panget ang magiging girlfriend ko.
After ko malaman ang katotohanan, bumalik na agad ako sa ospital. Sana this time, gising na sya.
Pagdating ko dun, masaya silang nagkukuwentuhan pero pagdating ko tumahimik na sila. Alam ko naman na ganun ehh. Lagi namang ganun ehh.
"We better leave them guys."
Iniwan nga nila kami, ngayon ko lang nakita yung mga sugat na tinamo nya. Naiinis ako sa sarili ko.
"Anong gusto mo na naman mangyari?" Tanong nya sa akin.
"I just want to say sorry."
"Then? Mauulit ulit 'to. Please tigilan mo na ako."
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...