Daven's PoV
"Lahat na ba nandito?" Narinig pa naming sigaw ni Aling Maring.
"Yes po." Sabi ni Tine.
"Tara na Aling Maring. Ang init na po kasi." Sabi naman ng nag-iinarteng Mona.
"We're here na po Aling Maring." Sabi naman ni Kai.
Lahat sila napatingin sa amin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ewan. Para kasing nakatingin lahat ng lalaki kay Ney.
"Ang gaganda at ang popogi nyo mga anak." Sabi naman ni Aling Maring na sinang-ayunan naman nung iba pang matanda doon.
"Bagay kayo." Sabi naman ng iba. Nakakatuwa naman hindi ko lang alam kung natutuwa ba itong kapartner ko.
"Thank you po." Sabi ko.
"Tenk yu tenk yu ka dyan. F na f mo ahh." Sabi naman ni Ney. Nagsalita na sya sa wakas.
"Nagsalita ka din. Kala ko mapapanis laway mo ehh. Babaho yan." Sabi ko naman sa kanya.
"Ewan ko sayo."
"You really look beautiful, gorgeous,stunning, lovely... Anything that describes beauty."
"OA much ha. Bola." Sabi nya.
"I'm telling the truth. Mas bagay ka ngang maging reyna elena pero mas gugustuhin ko na kapartner kita." Sabi ko naman.
Napansin ko naman na namula sya.
Papalapit naman sila Mona. Kaya niyaya ko na agad si Ney sa pila.
"Please don't ruin our mood. Let's just talk later." Sabi ko naman.
--
Parada.
"You look good together." Bati sa amin ni Drake.
"Okay ka lang ba?" Tanong naman ni Courtney kay Drake. Coming from him. Talaga namang nakakapagtaka. Ang ineexpect siguro ni Courtney na sabihin na hindi kami bagay.
"Hahaha oo naman. Tanggap ko na din naman." Sagot ni Drake. Nakakapagtaka na talaga 'tong lalaking 'to.
Patuloy na nga kami sa paglakad.
"Ano nangyayari sa kapatid mo?" Tanong nya sa akin out of the blue. Hindi ko naman akalain na sya pa ang unang magsasalita sa amin.
"Ah-- hindi ko din alam dun. Last few days he's acting weird." Sagot ko. Kahit isa sa amin hindi alam kung saan nagsusuot ang kapatid ko.
"Hmm.. ano kayang problema nun?"
"Mukhang apektado ka ah. Ayaw mo ba sa sinabi nya kanina. Does it mean na sya ang.. gusto mo?" Tanong ko sa kanya.
Napatingin naman sya sa akin at napatigil sa paglalakad. Pero binawi nya din naman agad.
I really don't know what it means. Hindi naman sya nagsalita. Hindi man lang nya itinama ang sinabi ko. Si Drake nga kaya ang napili nya?
"Kuya, pawis na pawis ka ohh." Lapit sa aking ng isang babae at pinunasan pa ang pawis ko.
"Ate ang pogi ng partner mo pero parang wala ka man lang ka-amor-amor. Ako na lang dyan." Sabi naman nung isang bakla.
"Oo nga naman Couz. Konting sweetness naman tulad nung dati." Kantyaw naman ni Kai.
"Tigilan nyo nga ako." Sabi naman nya.
Imbes na magtampo ako sa kanya, gagawin ko na lang ang dapat para ako ang piliin nya. Pinaypayan ko sya.
Natapos ang parada na hindi na kami nag-usap. Ewan ko ba kung anong nangyari sa kanya.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
DiversosHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
