sebenti siks

5 0 0
                                        

🎶take her to moon for me.

--

C O U R T N E Y ' S   P O V

Masaya ako para kay Drake. Natupad nya na ang pangarap nya. Nakakatawa lang na sa akin pa nanggaling yung concept ng restaurant nya.

Halatang-halatang inlove sa akin.

"Tatawa-tawa ka dyan. Para kang baliw!" Sabi ni Sam na nasa pinto na pala.

"Wala lang." Pagdedeny ko pa.

"Wushu! I know that smile Cortneng! Nakita ko na yan dati. Wag mong sabihing inlove ka na naman! Naku naku! Tumigil-tigil ka muna. Hindi ka pa nadala ineng." Pangsesermon nya sa akin.

Kung makapagsalita naman 'to si Beks parang sampu na ang naging jowa ko.

"Hay naku! Bitter Ocampo na naman sya. Can't you just be happy for me?" Sabi ko.

"Wow ha. Hindi ka pa nga nakaka-recover dyan kay Daven. Malamang sa malamang pag nakita mo sya babalik na naman kung anong nararamdaman mo dyan sa puso mo."

"Highblood ka ba o nagseselos ka lang? Alam mo naman na ikaw lang ang forever boyfriend ko. Diba??"

"Naku! Naku! I've heard that before. Pero nung ligaw-ligawan time nyo ni Daven halos kalimutan mo na ako. Hayyy. I feel so lonely. Forever na ata akong magiging Mr. Lonely. Oww let me correct Ms. Lonely pala." Pagdadrama nya pa.

Binato ko sya ng unan para matauhan sya.

"Dito pala ako matutulog ah." Sabi ko.

"Wow ha! Sinong nagbigay sa'yo ng pahintulot hija??"

"Ayoko kasi dun sa bahay. You know naman.. we're not in good terms ni pudra."

"Eh alam ba ni mother earth?"

"Tatawagan ko na lang. Maiintindihan nya naman ako."

"Adik ka. Baka sabihin nawala ka din katulad ng nangyari kay Drake at Daven." Sabi nya.

"Bakit? Nawawala ba si Daven?" Tanong ko sa kanya. Hindi sa concern ako kay Daven pero... Ahh basta..

"I heard from the chismosa dun sa village nyo. Eh diba nga missing in action sya sa opening ng resto ni Drake. At balita ko eh pinalayas daw nung mudrakels nila nung nalaman na nawawala si Drake. Grabe!! At walang-wala daw si Daven. Binalik lahat ng cards nya at kotse." Kwento pa ni Beks.

"Kawawa naman pala sya."

"Edi tulungan mo na! Tss. Mas kawawa ka nung mga panahon na sinaktan ka nya." Sarkastikong sabi ni Sam.

"Baliw ka. Naaawa lang ako sa kalagayan nya hindi sa kanya mismo. Baliw!"

*Tok tok tok

"May bisita ka?" Tanong ko sa kanya.

"Si Kai siguro?" Sabi naman ni Beks.

Nung buksan nya ang pinto ay hindi si Kai ang bumungad sa amin.

"Sam, alam mo ba kung nasaan na ang nakatira dito sa kabila? Diba kaibigan nyo yun?" Tanong nung landlady nila.

"Ahh. Bakit po?" Tanong naman ni Sam.

"Ilang buwan na kasi syang hindi nakakabayad. Kung tutuusin nagamit na yung deposit at advance nya. Kung hindi sya makakabayad ay papa-alisin ko na sya kasi naghahanap yung pamangkin ko ng bahay." Sabi nung landlady.

"Sige po. Sasabihin ko po sa kanya." Tanging nasabi ni Beks.

Pagka-alis naman nung landlady nila ay tumingin na sa akin si Beks.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon