sebenti eyt

4 0 0
                                    

🎶Let's take a picture you and me. Look at the camera 123. Say cheese.

--

C O U R T N E Y ' S  P O V

"Hindi ko akalain na sasagutin mo agad si Drake." Sabi ni Kai.

"I think he deserves na din naman. Sya lang yung laging nandyan para sa 'kin. Lalo na ngayon na puro ako problema." Sabi ko.

"Aray ko naman. Nandito din naman ako para sa'yo. Medyo busy lang. Namimili na ako ng gamit ni baby."

"I understand you Couz. I'm so excited to see my baby pumpkin." Sabi ko at hinipo pa ang tyan nya.

"My Sam-Ney heart is broken." Sabi pa nya. "Paniguradong mabo-broken yun."

"Oo nga ehh. Hindi ko pa nga alam kung pano sasabihin sa kanya." Sabi ko pa.

"Mas intindihin mo ang pagsasabi sa Mama at Papa mo." Sabi nya sa akin.

"Ano yung sasabihin sa akin?"

Nagulat kaming parehas sa nagsalita.

Si Mama.

"Aah... Tita. Na-nandyan ka pala." Sabi ni Kai.

"Ano ang sasabihin mo sa amin?" Tanong ni Mama.

"Ma.... Ma-may boyfriend na po ako." Sabi ko at yumuko.

Hindi agad nakapagsalita si Mama.

"Sino yang boyfriend mo?" Matigas na sabi ni Papa na kinagulat ko naman.

Hindi ko akalain na nandun sya. Lagot ako nito.

"Ahh-- si ano po..."

"Ako po." Sagot naman ni Drake na nandun na din pala.

Grabe lang. Kainin ako ng lupa ngayon na!!

Hinawakan ako ni Papa sa braso at hinila palabas ng bahay nila Kai.

"Bitawan nyo ako!" Sigaw ko.

"Hindi kayo pwede ng lalaking yan!" Sabi ni Papa.

"Pa! Bente singko anyos na ako pero kung pagbawalan nyo ako talo ko pa ang katorse." Sigaw ko.

"Sasagot ka pa!"

"Eh bakit kasi hindi yung isang anak nyo ang pagsabihan nyo? Sya nga 'tong nagpabuntis agad. Ako??? Ngayon pa lang ako magboboyfriend kung maka-asta kayo para akong si Juliet!" Sabi ko pa.

"Tama na Ney." Awat sa akin ni Mama.

"Napakabastos mo talagang bata ka! Sa ayaw at gusto susunod ka sa akin dahil ako ang Tatay mo! Uuwi ka sa bahay o kakaladkadin kita." Sabi ni Papa.

"Oo uuwi ako sa bahay. Pero sana pagbigyan nyo ako na mahalin ni Drake dahil sa dami-dami ng problema ko sya lang tumulong sa akin. Sa dami nyong nakapaligid sa akin sya lang ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal." Tumutulong luhang sabi ko sa kanila.

Lahat naman sila nakatingin lang sa akin maliban kay Papa na umalis na.

"Hindi muna ako makakapasok Drake." Paalam ko pa sa kanya.

"Sige Cupcake. Basta itext mo ako lagi ah." Bulong nya naman sa akin.

---

BAHAY

Naabutan namin si Scarlet na nagluluto pa ng agahan nila.

"Papa, Tita breakfast is ready."  Sigaw nya pa.

Nagulat naman sya nung nakita nya ako.

"Kain ka Courtney." Yaya nya pa sa akin.

"Wala akong gana." Sabi ko at dumiretso na sa kwarto ko.

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon