Nayntiwan

16 1 0
                                    

🤣

--
D A V E N ' S  P O V

It was a tough fight for me. Pero natutuwa naman ako na she still really care for me. Nakakataba ng puso. Para bang ayaw ko na lumabas ng ospital para bantayan nya ulet ako kaso isang beses nya lang ako nabantayan at puro si Gela na ang nagbantay sa akin..

"Ohmaaaygaaahd Kuya!! What happened to you?" Bati sa akin ng mga makukulit kong pinsan.

Ngayon, ay kasama na din nila sila Jelaine at Marc. Mas makukulit.

"Dapat kasi kinagat mo din yung lamok. Tsk." Biro ni Marc.

"Haynaku Kuya ah. Sobrang nag-alala kami sayo. Nagpanggap pa kami na may educational trip kami kaya kami naka-alis sa bahay." Sabi ni Nicole.

"Yeah. Super stress dun. Pati kami nadadamay wala naman kaming kasalanan." Reklamo pa ni Jelaine.

"Sino ang nag-alaga sa'yo dito Kuya?" Usisa naman ni Lira.

"Ahh... Yung mga katrabaho ko. Si Gela yung anak ni Yaya Vaneng atsaka yung boss namin." Sagot ko.

Para bang may hinihintay pa syang sabihin ko.

"Nakita namin yung post ni Ate Gela. In need ka daw ng dugo?? Kailangan mo pa ba?? Magdodonate kami." Sabi naman ni Nicole.

"Hahahaha. Hindi pa kayo pwede magdonate. Ang babata nyo pa noh. Okay na ako. May nagdonate na sa akin. Katrabaho din namin si Anne." Napatingin naman sa akin si Lira na tila ba nagliwanag ang itsura. Si Nicole naman ay inismiran ako.

Nadischarge na ako sa hospital nung hapon. Kaya ang mga pinsan ko ang kasama ko sa bahay pag-uwi.

"We can send him home." Sabi ni Marc kay Gela. Pero nagpumilit pa din si Gela na sumama. Malaking pasasalamat ko din kay Gela sa pag-aalaga sa akin ng wala namang hinihinging kapalit.

Malapit lang sa hotel ang bahay ko kaya yung mga pinsan ko ay nagliwaliw muna doon. Dumating naman bigla si Marcus.

"How are you?" Tanong sa akin ni Marcus.

"I'm fine now. Thanks for all your help. Especially you Gela. " Sabi ko sa kanila.

"Wala yun. Ikaw pa ba papabayaan ko?" Sagot ni Gela.

"I have to leave now. I think Anne is sick. She said she can't come to work later. I'm going to visit her." Paalam ni Marcus.

Tumango na lang kaming dalawa. At pinanood umalis si Marcus.

"Tingin mo? May gusto si Marcus kay Anne?" Tanong ni Gela.

"Wala naman sigurong masama. Single naman sila parehas." Sagot ko... Pero parang ang sakit.

"Eh diba? Jowa ni Anne yung kapatid mo dati. Oks lang sayo? Hindi ba dapat mas boto ka sa kapatid mo." Sabi pa nya.

"Hindi kailanman ako magiging boto kung mali naman ang ginawa nya." Sabi ko at pumuwesto na sa sofa para matulog.

--

Pumasok na ako sa trabaho kinabukasan. Kahit na nandito ang mga pinsan ko ay nabuburyong pa din ako. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng lungkot ng malaman ko na humdi makakapasok si Courtney. May sakit daw ito ngayon. Siguro dahil sa pagod sa trabaho.

"Aren't you going to visit her?" Tanong ni Marcus.

"Nope. I don't think she wants to see me." Sabi ko.

"Para kang hindi kaibigan. Tsk. Sya ang nagdonate ng dugo sayo tapos ikaw wala kang pake. Tsk." Pangongonsensya sa akin ni Gela.

"Tss. Oo na oo na. Pupuntahan ko na." Sabi nya.

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon