Mom will always love you unconditionally. 👸❤
So, don't waste your time searching for your forever cause you already found one. 💗💗
--
Courtney's PoV
"Ano bes?? Tumibok na naman ba yang shunga mong puso?" Tanong sa akin ni Sam nung nakauwi na kami.
Nalungkot lang ako sa sinabi nya dahil totoo nga. Shunga nga ng puso ko. Sana madali lang syang turuan kaso hindi eh.
"Am I not enough?"
"Panget ba ako?"
"Kapalit-palit ba ako??!" Panggagaya ko kay Liza Soberano.
"No." Sagot naman ni Sam na ginaya din si Enrique miloves. Why so pogi Sam??
Si Kai naman tawang-tawa sa amin.
"Ginaya nyo pa yung 'my ex and whys' eh hindi pa naman nagiging kayo." Sabi naman ni Kai.
Hindi naman pwede na porket andyan lang lagi si Sam eh I'm going to take advantage of it.
"Hey hey hey! Kaya nga ako naging bakla dahil ayoko ng basketball tapos gagawin nyo akong rebound. Wag ganern." Sabi naman nya.
Exactly.
"Teka. Hindi ko maintindihan eh. Bakit naman magiging rebound? May nangyari bang break-up??" Tanong ni Kai.
Sinenyasan ko naman si Sam na wag na muna sabihin kay Kai kasi for sure pag nalaman nya mas mauuna pang sumugod yan. Kabuntis na tao eh.
"Wala." Sagot naming dalawa.
"Hmmm okay."
--
Dumating naman si Drake. Pabigla-bigla ehh.
"Hey! Kamusta girls??"
"We're okay." Sagot ni Sam na proud na proud dahil kasama sya sa tinawag na girls.
"Let's have dinner. Nagpadeliver na ako sa bahay." Sabi nya pa.
"Tara! Pizza ba yan?? Nandun ba si Daven?" Tanong naman ni Kai.
Nafi-feel nya siguro na ayaw ko makita si Dave kaya nya tinatanong.
"Wala. May reunion sila ng mga choirmates nya. Kaya ko nga kayo inaaya kasi wala akong kasama magdinner. Medyo matagal-tagal na din yung last bonding natin." Sagot naman ni Drake.
"Oo nga. Sakto pupunta dito si Badj. Miss na miss ko na nga yun eh. Busy kasi sa bago nyang trabaho." Sabi naman ni Kai na medyo nalungkot.
Naglakad na nga kami papunta sa bahay nila Drake. Nadaanan pa namin yung mga may reunion.
"Oh! Anong hinahaba-haba ng leeg mo dyan?" Bulong sa akin ni Sam.
"Hindi naman eh." Naka-pout ko pang sagot sa kanya.
"Hmmmm! Matalino ka girl wag kang magpakatanga. Tandaan mo, magkasama sila dyan. Baka sila nag-eenjoy tapos ikaw aneer?? Nagdudusa?"
Tinamaan naman ako dun. Wala man lang preno.
Kumain na nga kami ng dinner. Kumpleto na kami sakto lang ang dating ni Badjie.
"Ngayon lang ulet tayo nakumpleto ah." Bati ni Sam.
"Ha?! Kumpleto?? Wala pa nga si Daven." Pansin naman ni Badj.
"Hindi pa ba tapos dun Drake?? Sunduin mo na kuya mo." Sabi naman ni Kai.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...