Naynti Seben

4 2 0
                                    

Keep your feet off the ground. 💕

--

C O U R T N E Y ' S P O V

Para akong nabunutan ng tinik nang sinabi ni Gela na okay lang sa kanya. Pumayag sya sa pagpapanggap namin ni Daven.


"Kaya pala ang awkward mo kanina pa. Ano ka ba naman. Para na tayong magkapatid noh. I can understand everything." Sabi sa akin ni Gela habang nasa malayo si Daven.


"Salamat talaga ha. Wag ka mag-alala ako naman ang babawi sayo dito sa Laguna. Mamasyal tayo sa Manila." Sabi ko pa.

"Promise ha. Parang gusto ko na dito tumira." Tuwang-tuwang sabi nya. "Speaking of Mama, okay naman ba sya dun sa bahay nila Drake? Siguro pinapahirapan nya si Mama nung mga panahon na nagrerebelde sya. Malaman ko lang talaga. Lagot sa akin yung lalaking yun." Pagbabanta nya pa.


"Wag kang mag-alala. Madalas tulala lang si Drake nung mga panahon na iyon." Biglang singit ni Daven. "Tara na. Umuwi na tayo."

At saka sya naglakad papunta sa sakayan.



Pagdating namin sa subdivision ay katakot-takot na kaba ang nasa dibdib ko. Ayoko kasi talagang pumunta sa bahay nila lalo na andun si Drake.



"Oh! Bakit nandito ka?" Agad na tanong ni Yaya Vaneng kay Gela nang makita nya ito.



"Para namang hindi ka masaya na nakita mo ako dito." nakapout pang sabi ni Gela saka niyakap ang kanyang ina. "Namiss lang kita Ma." dagdag pa nya.


Bigla naman na lumabas si Drake sa pintuan.



"Yaya! Sino yan? May bisita pa ba?" tanong pa nya.



Nagulat pa sya nang makita kami sa labas ng bahay nila.



"Aalis na din po kami." Paalam ko kay Yaya Vaneng.



"Oyy Daven. Halika dito. Kumpleto kami lahat. May pawelcome party pala si Mommy kay Botchok." yaya ni Drake kay Daven. "Sino sya?"tanong nya pa nung makita nya si Gela.



"Ahhh.. anak ko Drake." sagot ni Yaya Vaneng. "Yung kalaro mo dati nung maliit pa kayo." dagdag pa ni Yaya.



"Ahhmm... correction. Yung inaaway nya dati." sabi pa ni Gela.



"Ahhh natatandaan ko na. Maliit pa din naman sya ngayon hindi naman lumaki." Pang-aasar pa ni Drake.



"Hoooyyy! Ang kapal naman talaga ng mukha." sagot ni Gela.



"Pumasok na kayo." sabi ni Drake.

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon