terti wan

9 0 0
                                    

But I set fire to the rain. ☔

--

Courtney's PoV

Mas malaki pala problema ni Daven kesa sa akin. Kung ako yung nasa kalagayan nya hindi ko din alam gagawin ko. Pero kailangan nya pa din maliwanagan.

Sinama nya ako sa kanila. Hindi ko alam kung sasama ako o hindi. Baka kasi bigla na lang akong awayin ni Drake. Alam mo na. Baka hurt pa.

Pero kung papapiliin naman ako sa kanilang dalawa, malamang si Daven naman ang pipiliin ko. Sya naman yung matagal ko ng mahal eh kaso napaka komplikado pa ng lahat ngayon.

Lalo na may problema si Daven ngayon. Sasamahan ko sya para hindi nya maramdaman na nag-iisa sya. Para maramdaman nya na andito ako para sa kanya. Gumaganern. That's what I want naman eh. Daven na yan ih. Kilig kilig.

"Buti tanggap mo ako kahit ampon ako." Sabi nya.

"Ano naman kung ampon ka? May nagbago ba sayo? You're still Daven pa naman diba?" Sagot ko naman sa kanya.

"I mean, ako hindi ko kilala yung biological parents ko. Masakit man isipin, anak ako sa pagkakasala kasi nga hindi pa naman sila kasal ng biological father ko."

"Hindi mo naman kasalanan yun, based naman sa pagkakakwento mo sa akin eh mukhang made by love ka naman." Ano ba yung nasabi ko. Ang panget ata ng dating.

"I mean, it shows na mahal na mahal ng Mama mo yung father mo kaya ka nabuo. Siguro naduwag lang yung biological father mo. Hindi natin alam, kasi hindi natin alam yung side nya." Pagtatama ko.

"Sa bagay, alam mo gusto ko mahanap yung biological father ko."

"Bakit?"

"Gusto kong malaman kung bakit nya iniwan si Mama. Gusto ko pa din makilala kung sino sya, ano sya. Baka may namana akong katangian sa kanya. Mga ganung bagay. Para din hindi ako blangko." May point naman.

"Pwede mo naman gawin yun eh. Mayaman ka naman. Kayang kaya mo mag hire ng investigator to look for him." Sabi ko.

"Hindi ako mayaman, Ney. Kasi ampon nga lang ako.  Mamahalin mo pa din ba ako kahit na hindi ako mayaman?" Tanong nya.

Aminan portion na naman ba? Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Aamin ba ako sa kanya na mahal ko sya. Baka kasi wala ng ligawan na maganap.

"Wala naman sa yaman yan. Hindi ako katulad ng ibang babae Daven. Galing ako sa hirap. Hindi ko kailangan ng marangyang buhay though nagsisikap naman ako para maranasan naman yun ng mga mahal ko sa buhay pero hinding hindi ako gagamit ng ibang tao para lang umangat sa buhay." Pwede na ba yung sagot ko??

"That's why I love you." Sabi nya.

He loves me??

He loves me daw???

Oh my! Courtney wag masayadong pahalatang kinikilig.

Pero yiiiiehhh!mahal ako ng taong mahal ko. Best feeling in the world.

"Let's go in." Yaya sa akin ni Daven.

Kinabahan naman ako bigla. Going to meet his family again. AWKWARD.

"Daven!" Takbo papalapit ng mama nya.

"Okay ka lang ba? Nag-alala kami sayo." Sabi naman ng daddy nila.

Si Drake nakatayo lang. Poker face. No emotion. Ano namang problema nito?

Pumunta naman kami sa salas at doon sila nag-usap. Out of place naman ako dito. Sana pala hindi na lang ako sumama.

Gustuhin ko man kausapin si Drake pero parang beastmode sya ngayon.

"Huy okay ka lang ba?" Bulong ko sa kanya.

"Don't talk to me." Bulong nya pabalik. Sungeeet.

Makikinig na nga lang ako sa pinag-uusapan nila kesa kumausap ng monster.

"Mabuti na lang po nandyan si Courtney. Naliwanagan ako. Maraming salamat Mom and Dad kasi inalagan nyo ako na parang tunay nyong anak. Utang ko po ang buhay ko sa inyo."

Naisama na din ako sa usapan. Sa wakas, pahapyaw nga lang.

"We will continue to love you. Kahit minsan hindi namin naisip na hindi ka namin anak."sabi ng Mommy nya.

"Salamat sayo hija, dahil sayo naliwanagan si Daven. Alam mo familiar ka sa akin."

"Dad, kasi taga sa atin din sya. She's from Gutierrez family." Sagot naman ni Daven.

"Ahh kaya pala."

"Tapos na ba dramahan nyo dyan?" Tanong naman ni Drake.

Kaming lahat naman napatingin sa kanya. Beastmode na naman 'tong lalaking 'to. Tsk.

"Anak, halika nga dito. Pasensya ka na kung madrama kami ngayon. Alam mo naman ang sitwasyon ngayon."

"Tss. Aakyat na ako. I'm tired of dramas." Sabi nya sabay walk out.

Attitude. Tsk. Bumabalik na naman ata ang dating Drake. Siguro dapat ko syang kausapin pero ano naman sasabihin ko sa kanya.

Habang nag-uusap si Daven at Mommy nya, lumapiy naman sa akin yung Daddy nila.

"I think you should talk to Drake." Sabi nya. Ano naman sasabihin ko dun sa lalaking yun?

"Ano pong sasabihin ko sa kanya?"

"I don't know maybe just your attention can make him feel better."

"I'll try sir."

"Don't call me sir. You can call me Tito."

"Aahh... O-okay po Ti...to" nakakailang pala.

Nakita namin si Drake sa pool side.

"Drake, para kang shunga dyan papahirapan mo yung maglilinis ng pool nyo kakabato mo dyan."

"Wala kang pakelam."

Sungit.

"I care. Kahit na hindi halata."

Napatingin naman sya sa akin, yung tingin na parang naliwanagan.

"Really?"

"Because you are my friend."

Bigla naman sya nalungkot ulet. Enebenemen.

"Ayokong nakikita ka na ganyan ka. Lalo na alam ko na ako ang dahilan ng pagiging malungkot mo."

"Napakasakit kasi nung nakita ko na masaya kayong dalawa. Though masaya ako na nakikita kitang masaya pero ayoko magpakaplastik dahil ang sakit talaga. Ang sakit din na ang sarili kong magulang ang tumututol sa ating dalawa."

Tumatango-tango lang ako. Mahirap nga ang sitwasyon nya ngayon pero hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Siguro, alisin mo muna yung hatred mo dyan sa puso mo. Maybe, hindi nga ako magiging mabuti sayo kaya ganun ang iniisip ng parents mo. Look, lately lang tayo naging friends dahil mortal na magkaaway tayo simula pa nung bata tayo. Siguro alam din yun ng parents mo. Kaya siguro ganun ang iniisip nila. But still, I'm still happy that we are friends now." Sabi ko naman sa kanya.

"No, you're the best for me Courtney. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito."

"Pero mahirap... Mahirap ang sitwasyon ngayon. Your parents don't like me. Much better kung friends lang muna."

"Please please please give me a chance to prove my love to you. Alam ko mas gwapo, mas mabait at mas matalino si Kuya. But please give me a chance handa kong tapatan ang lahat ng kaya nyang ibigay para sayo."

--

Thanks for reading. Love you all.

-sweestascandy15

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon