🍪 Cream-o double choco chip cookies
---
D R A K E ' S P O V
Ilang oras din kami naghintay sa labas ng OR. Kaya bumili muna ako ng makakakain namin ni Ney.
Pagbalik ko ay nandun na ang parents ni Kai at parents nila Scarlet. Si Badj wala pa din.
*Uwaaaah *uwaaahh *uwaaaah
Gusto ko takbuhin ang hallway ng marinig ko ang iyak na yun.
Baka yung anak ko na yun.
"Oh! Masyado ka naman ata nagmamadali." Sabi ni Ney.
"Baka gu-gutom ka na kasi." Palusot ko na lang.
Saglit lang ay lumabas na ang doctor.
"Ahhmmm. San po ang relative ni Mrs. Karen?" Tanong nung doctor.
"Ako po." Sigaw ni Badj mula sa malayo.
"Congratulations Mister. It's a healthy baby girl." Sabi sa kanya ng doctor.
Nagtatalon naman sa tuwa si Badj.
"Tatay na ako! Tatay na ako!" Sigaw pa nya.
"Alam namin." Sabi ko. Panira lang ng moment.
"Eh si Kai po kumusta? Is she fine?" Tanong nya sa doctor.
"Okay naman sya. Malakas ang loob ng Misis mo. Nakaya nya kahit na medyo may kalakihan si Baby. Nasa recovery room pa sya. She will stay there for about an hour then we will transfer her to her room." Sabi pa nung doctor.
"Excuse me po... Yung kasabay po ni Kai manganak. Okay lang po ba sya?" Nag-aalalang tanong ni Ney.
"Medyo nahihirapan sya sa labor." Sabi jung doctor.
Lumabas naman ang isa pang doctor.
"Relatives of Mrs. Scarlet?" Tanong nung doctor.
Lumapit naman si Ney ng sensyasan sya ng Mama at Papa nya.
"Ahmmm. Miss, you are her?" Tanong pa nung doctor.
"Sister." Matipid na sagot ni Ney.
"Ahhm okay. Didiretsuhin ko na po kayo... Nahihirapan po ang kapatid nyo sa loob. Her blood pressure were getting high. Kailangan nya na po i-emergency CS." Sabi nung doctor.
"Magkano po kaya ang aabutin nun?" Tanong ng Papa nila.
"Mga 100k-120k depends on her situation." Sagot ng doctor.
"Ang mahal naman pala." Sabi ng Mama nila.
"I can lend you money if you need." Suhestyon ko.
"Sige po, Doc. Basta iligtas nyo lang po ang kapatid at pamangkin ko." Sabi ni Ney.
Ang mahal naman pala ng panganganak akala ko hindi aabutin ng hundred thousand. Juskoo! Kakaunti na lang ata ang laman ng atm ni Scar.
Natulala ako. Bukod sa laki ng gastusin ay baka hindi pa sila makaligtas. Alam ko... Hindi ganun kalaki ang suporta ko kay Scarlet sa pagbubuntis nya pero yung iisipin mo na baka mawala ang isa sa kanila. Nakakalungkot.
"Uyy." Pukaw sa atensyon ko ni Ney.
"Oh?!"
"Tulala ka lagi. Parang mas malaki pa ang problema mo kesa sa amin ah." Sabi nya pa.
"Ahh... Ehh... Wa-wala ah. Iniisip ko kasi... Baka kung ano mangyari kay Scarlet." Nasabi ko pa talaga.
"Salamat sa pag-aalala sa kapatid ko ah. Laki-laki na ng tulong mo sa akin. I'm so thankful to have you in my life." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko.

BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
De TodoHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...