pipti tu

6 0 0
                                    

Courtney's PoV

Haba ng hair ko dun. I feel guilty naman dahil hindi naman pala yung mga iniisip ko tapos ganun pala yun.

"Nasa iyo na pala talaga ang korona beks eh." Sabi naman ni Sam.

"Ikaw. Bigla ka na lang nasulpot. San ka ba nanggaling?" Tanong ko naman sa kanya.

"Nagpamiss lang. Puro ka kasi Daven at Drake. Cheret." Sagot nya hahahaha. Baliw din talaga ehh." May tinulungan lang ako. Yung nakasabay ko before na naghahanap kay Drake." Dagdag pa nya.

"Si Scarlet ba yun? Baka naman sya na forever mo?" Biro naman ni Kai.

"Hay nako! Mas maganda ako sa kanya." Sagot naman ni Sam.

Sakto naman na padating na sila Daven, Badj at Drake na kumuha ng pagkain para sa amin. Yung naka styro ba na pinapamigay sa fiesta. Lam nyo yun?

"Tara kain na tayo." Sabi nila.

Hindi naman nila napansin na kasunod pala bila si Tine at Mona.

Hindi ko alam pero parang naiilang ako sa kanila.
Hindi ko naman kasalanan diba? Si Daven ang may kasalanan diba? Hindi naman ako diba? Kulet ko ba?

"Oh Hi!" Bati ni Mona.

Huh? Bumabati na sya ngayon? Bago yun ah.

"Long time no see. Miss me?" Sabi pa nya at lumapit pa kay Badj.

Bakit? Anong meron? Kinakabahan na ako.

"Hoy! Anong miss me miss me?! Boyfriend ko sya. Wag kang haliparot." Sabi naman ni Kai.

"Oww. Is she your girlfriend now? Sya ba yung pinalit mo sa akin? Grabe lang. Trending na ba sa mga guys na bumaba ang standard?" Sabi pa ni Mona na alam ko naman na si Daven ang pinaparinggan.

"Mona stop." Sigaw ni Badj.

Ngayon ko lang sya nakitang galit. Oo nakikita ko syang nagsusungit before pero never ko pa sya nakitang magalit. Nakakatakot. Parang hindi ko na kilala ang Badj na nasa harapan ko.

"Bakit? Hindi nya ba alam na ex mo ako? At hindi nya ba alam ang rason kung bakit bigla mo na lang akong iniwan." Sabi pa nya.

"Badj, bakit hindi mo sa akin sinabi?" Mahinang sabi ni Kai pero sapat na para marinig namin.

Lahat kami hindi makapagsalita dahil parang wala naman kaming karapatan na makisawsaw sa usapan nila. Wag lang nya sasaktan ang pinsan ko makikita nya ang other side ko.

"Uh-oh! My bad. Hindi pala kayo ganun ka-open. I never thought I will give you an advice as if you are a good friend of mine. Ito kasing lalaking 'to, nung nalaman na buntis ako. Bigla na lang hindi nagparamdam sa akin. At para bang hindi ako kilala pag nagkikita kami. Luckily, I had miscarriage kaya ayun naituloy ko ang pag-aaral ko.  Kaya kung ako sa'yo, mag-iisip-isip na ako." Sabi ni Mona kay Kai.

Lahat kami nagulat sa sinabi nya pero hindi naman namin pwede sabihin na buntis si Kai ngayon. At hanggang ngayon, hindi pa din nila sinasabi sa both sides na magkakaroon na sila ng baby.

Tumakbo si Kai. Syempre sinundan namin sya ni Badj.

"Beb, please let me explain." Sigaw ni Badj.

Mas nauna sa akin si Badj. Ako support lang. Baka sakaling kailanganin ako ng pinsan ko.

Buti na lang at naabutan agad sya ni Badj. Naku naman. Kawawa naman ang inaanak ko kung lumabas agad sa womb ng pinsan ko.

"Akala ko, alam ko na lahat sa'yo. Ayaw muna kita makausap. Please." Sabi ni Kai nung hawak hawak sya ni Badj sa braso.

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon