terti eyt

11 0 0
                                        

Hello. I just want you to know that I still exist. 😒😒

--

Drake's PoV

It's been 3 months since we graduate, hanggang ngayon wala pa din akong work. Hahaha. Bakasyon muna ako. Nakakastress kaya yung pag-aaral.

I am on my way to Courtney's house, miss ko na din yung babaitang yun. Isang buwan din kasi akong nagbakasyon. Nagpakalayo-layo baka sakaling mamiss nya ako. Aayain ko sana si Kuya dahil nahihiya akong pumunta sa bahay nila mag-isa. Ewan ko ba. Parang ang awkward ng Mommy nya sa akin. Si Daven lang naman ang makapal ang mukha na nakakapunta dito eh.

Kakatok na ako ng pintuan, kaso nahihiya talaga ako. Ewan ko ba. Bakit ba ako nahihiya? Wala naman akong gagawing masama ah. May pasalubong pa nga ako sa buong family nya eh.

Kakatok na sana ulit ako ng may nagbukas na ng pinto. Lalaking matangkad na nasa mid40's na siguro. Agad na nagsalubong ang kilay nito ng makita ako. Paktay na. Sa Mommy nya nga takot na ako. Daddy nya pa kaya.

"Aahhh. Ahhmmm. Good afternoon po." Nauutal ko pang bati.

Tinanguan nya lang ako. Whatta response. Parang gusto ko na lang maglaho bigla dito. Bakit ba ako nagpunta dito?? Sana nakipagkita na lang pala ako kay Ney.

"Aahh...ehhh.. Si Courtney po?" Tanong ko na lang. Sana wala ng tanong tanong pa. Jusko. Ganito pala feeling ng humaharap sa parents ng taong mahal mo.

"Wala sya dito." Napakatipid naman sumagot. Hindi man lang sinabi kung nasan yung anak nya. Hayyy.

"Ahhm... Si--ge po. Babalik na lang.. Po ako." Sabi ko. Bakit ba napaka-utalin ko ngayon. Hindi naman ako ganito ah.

--

Agad-agad akong umalis sa bakuran nila. Sa parish ko na lang siguro sya hihintayin.

Naabutan ko naman si Badjie at Kai sa parish. Nagulat na lang ako dahil umiiyak si Kai. Ano kayang problema nitong dalawang 'to. Lalapit ba ako?? Parang ang awkward naman. Makikisawsaw ba ako sa LQ nila.

Maka-uwi na nga lang. Sana lang hindi nila ako mapansin.

"Hey Drake!! Long time no see bro." Bati sa akin ni Ralph nung makalagpas ako sa magjowang nag-aaway.

"Yow! Kamusta ka naman?" Bati ko din sa kanya. Matagal-tagal na nga nung makabonding ko 'tong mga 'to.

"Okay naman. Balita ko, galing ka daw bakasyon. Sa akin ba yang pasalubong na dala mo?"

"Wow. Kapal din ha. This is for Courtney not for you."

"Courtney?? Yung crush ko? Tsk sulutero ka pre."

"Sorry ka. Magkalapit lang kasi school namin sa manila kaya ayun. Naging malapit kami. Wala ka kasing diskarte pre." Sabi ko sa kanya na puno ng yabang.

"As if, papasa ka sa kanya." Sabi naman sa akin nito.

Kahit naman siguro sya hindi papasa kay Courtney. Pampalubag loob. Hahahaha. At saka may girlfriend na din naman 'tong mokong na 'to.

Tumambay muna ako sa kanila kasama ang iba pa naming tropa. Tutal wala pa naman si Ney. Si Kuya wala din. Nasa trabaho. Wala akong mapagtitripan sa bahay.

--

Dumating si Kuya sa bahay na mukhang pagod na pagod. Nagmukha din syang matanda. Naku! Nakakapangit pala magtrabaho parang ayoko na tuloy magwork.

"Hey bro, you look exhausted." Bati ko sa kanya. Oo ganyan kapangit ang bati ko sa kanya.

"Nakaka-stress kasi sa site. So hot. So dirty." Sagot naman nya.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon