pipti

6 0 0
                                        

Iloveyou 😘😘😍

--

Daven's PoV

The Plan

A day before fiesta.

"Magugustuhan kaya nya yan? Favorite Color nya ba yan? Kasya ba sa kanya?" Sunod-sunod na tanong ko kay Kai.

"Oo naman. Ang ganda ng pinsan ko kung isusuot nya yan. Hayyyys. Sayang hindi ko na mararanasan." Parang nalungkot naman na sabi nya.

Tinignan ko naman si Badj. Para namang walang plano pasayahin man lang si Kai.

Bilihan ko din kaya sya. For the last time, maranasan nya. For sure, hindi na nya mararanasan pa ulet 'to after nya manganak.

"Kai, pilian mo na din si Courtney ng accesories. Pilian mo sya ng magandang crown ah." Sabi ko.

"Oo naman sure. Gusto ko sya ang pinakamaganda." Sabi naman nya na para bang ini-imagine pa ang itsura ni Ney. Para na talaga silang magkapatid. No insecuritues. Masaya sila pag masaya ang isa sa kanila.

Habang namimili si Kai ng accesories kina-usap ko naman si Badj.

"Oi pre, wala ka ba man lang planong bilihan sya. Kitang kita naman sa kanya na gusto nya sumali." Bulong ko kay Badj.

"Mapapagod lang sya." Matipid na sagot ni Badj.

"Kahit for the last time na yan. Tingin mo ba magagawa nya pa yan pag may pamilya na kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Even if I want to, even she wants it. Mas uunahin ko pa ba bumili ng gown na isang beses nya lang masusuot kesa maglaan ng pera sa panganganak nya. " Sabi nya.

Kaya pala, kaya pala kanina pa sya mukhang badtrip.

"Pasenya na pre. Sorry din kung napapagod si Kai dahil sa favor ko na 'to sa kanya." Sabi ko na lang.

"Okay lang naman,pre. Masaya naman sya sa ginagawa nya." Sabi nya. Pero mukhang badtrip pa rin talaga sya.

"I'm done." Sigaw naman ni Kai sa amin nung makapamili sya. Masyado atang marami ang napili nya.

--

Pagkatapos namin maglibot sa divisoria ay dumiretso naman kami sa bahay nila Aling Maring.

"Aling Maring, eto po sana yung gusto kong ipasuot kay Ney sa Santa Cruzan." Sabi ko.

"Sobrang ganda naman nito. Mukhang sya ang magiging pinakamaganda sa Fiesta." Sabi naman ni Aling Maring.

"Ako po ang pumili nyan." Sagot naman ni Kai.

"Salamat po Aling Maring. Kayo na po bahala bukas. Maraming salamat po talaga." Sabi ko.

Naabutan pa namin si Ney na nagmamasid sa labas ng chapel.

"Hey Couz! Nakakalabas ka na pala. Kamusta naman yang semento ng braso mo?" Sabi sa kanya ni Kai.

Sana lang hindi sya magtaka na magkakasama kami.

"Okay naman. Tatanggalin na daw bukas. Pero hindi pa din daw pwede masyado magaslaw." Sagot nya.

"Buti naman. Don't worry. Ako ang magiging literal na kanang kamay mo." Sabi ni Kai.

"No need Couz. You need me more than I need you. At saka balak ko din magpahinga bukas para makapasok na din ako sa work." Sabi nya.

"Couz, samahan mo naman ako bukas. Gusto ko kasi manood ng sagala. Gusto ko nga sumali kaso... Alam mo na." Malungkot na sabi naman ni Kai.

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon