Dedic to... nicole na excited magbasa ng next chapter.
---
D A V E N ' S P O V
Ilang buwan na ng umalis si Courtney pero araw-araw pa rin akong nangungulila sa kanya.
Walang araw na hindi ko sya inisip.
Walang araw na hindi ko sya sinearch sa fb, skype, what's app, instagram, viber at kung anu-ano pang social media sites. Nagbabakasakaling maka-usap sya. Kaso lahat ay deactivated.
Sa mga panahon na hirap na hirap ako. Si Scarlet lang ang natitira kong kaibigan. Sya ang nag-alaga sa akin nung na-ospital ako. Sya ang katulong kong maghanap sa magaling kong kapatid. Nasaan na nga kaya yun?
~ding dong
Binuksan ko ang pinto. At si Scarlet ang bumungad.
"Kumain ka na ba?" Tanong nya sa akin dahil may bitbit na naman syang tupperware at malamang pagkain ang laman nun.
"Wala akong gana eh."
"Hay naku Daven! Hanggang ngayon ba naman si Courtney pa din ang ipinaghihimagsik ng hunger strike mo? Ilang buwan na ang nakaraan.. baka hindi mo alam sarap na sarap yun sa pagkain sa ibang bansa samantalang ikaw nangangayayat na." Pagsesermon nya pa. Lagi naman ganyan pero kahit na anong sermon nya ay hindi pa din nababawasan kung ano man ang nararamdaman ko para kay Courtney.
Ilang minuto lang ay may narinig akong kotse na nagpark sa garahe. Nakaramdam naman ako ng matinding kaba.
*Tug dug tug dug tug dug tug dug
~ding dong
Hindi ko na alam ang gagawin ko.. paano kung sila Mommy yun.
"Sir ako na po." Sabi naman ni Manang at nagmamadaling binuksan ang pinto.
0__0
Talagang nanlaki ang mata ko nung si Mommy at Daddy ang pumasok.
"Oww Daven! How are you? Mukhang gulat na gulat ka." Takang tanong naman ni Mommy.
"Hindi nya talaga siguro akalain na darating tayo ngayon. Pasensya ka na at ilang buwan kaming hindi naka-uwi." Sabi naman ni Daddy.
Sakto naman na labas ni Scarlet mula sa kusina.
Mas lalo ako kinabahan. Sa itsura pa naman ni Scarlet ngayon ay hindi na maitatanggi na buntis sya.
"Scarlet..." Tawag ni Mommy sa pangalan nya. At nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa tyan ni Scarlet.
"Ahh--- Tita du-dumating na po pala kayo." Alanganing bati nya.
"Buntis ka?" Diretsahang tanong ni Mommy.
Napatingin naman sa akin si Daddy na parang alam ko na ang iniisip nya.
"Ahhhmm-- o-opo." Napapahiyang sagot ni Scarlet at saka yumuko.
"Daven.." sabi ni Daddy.
"Hi--hindi ako.. hindi ako ang ama ng pinagbubuntis nya." Sagot ko sa makahulugang pagtawag sa akin ni Daddy.
Napabuntung-hininga naman sila nung sinabi ko iyon.
"Hayy. Akala ko.." hindi na naituloy ni Mommy ang sasabihin dahil baka ma-offend si Scar.
"Where's your brother?" Tanong ni Daddy.
Yan na! Ang kakaba-kabang tanong. Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
AléatoireHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...