siksti 😍

7 0 0
                                        

6⃣0⃣

Dedicated to TheGreatSuperMon 😉😉

--

Kai's PoV

"Oyy! Ikaw Couz ahh. Sino ba talaga sa dalawa? Sa bagay kahit sino naman parehas pa din ang magiging apelyido mo."  Pang- aasar ko kay Courtney.

"Gulong-gulo talaga ako ngayon, Couz. Iba kasi yung saya ko kagabi nung kasama ko sya." Sagot nya. Paktay na.

"Masaya ka pa nyan ah. May sugat ka na nga, masaya ka pa din."

"Bihira ko lang talaga kasi maramdaman yun Couz, ibang Courtney yung kagabi." Whaaaat?? Ibang Courtney??? Mygaaahhhhd. Anong nangyari??? May nangyari ba??

"Hoy ikaw! Wag mo na ako gayahin. Masasapak talaga kita. May nangyari na ba sa inyo???! Ha?!"

"Grabe ka ha. Wala!! Walang nangyari. Ano ba naman yang iniisip mo! Malisyosa. Tss. Let me explain first kasi."  Haha pahiya ako konti.

"O sige. Explain."

"Iba kasi. You know I'm tired to be a perfect daughter. Yung lahat ng sinasabi ng magulang sinusunod. Ultimo pakikitungo sa ibang tao. I know its not bad to be nice but its hard if you don't want to. Pag kasama ko si Drake, medyo bad ako. Nailalabas ko yung other side of me. Yung hindi pormal. Yung hindi isang tanong isang sagot. Nung kasama ko sya.... Parang ang saya lang. Puro lang kami asaran. Na hindi ko magawa-gawa pag kasama ko sila Mommy at Daddy." Kwento nya.

"Plangak ka dyan. Masyado kasing pormal na tao si Tito at Tita. Lalo na si Tito. Para ka ng robot actually. Pero wala namang masama siguro doon. Yun nga lang parang hindi ka malaya. Kaya you found comfort zone from Drake. Hmmm edi ibig sabihin nyan... Si Drake na talaga?" Nang-iintigang tanong ko.

"Haaayyy! I really don't know Couz. Gusto ko si Daven... Ever since naman. Pero this past few weeks parang nagbago eh. You know naman the issue diba? Parang... Parang hindi ko na sya kilala ulet. Ang alam ko... Perfect sya."

"O diba yun naman ang gusto ng kahit na sinong babae? At alam naman natin na lahat na nasa kanya."

"Yun na nga. Yun ang kinakatakot ko. Alam natin na perfect sya. Eh pano pagtagal-tagal?? Pano kung may hindi pala ako gustong ugali nya. Pano kung controlling din sya just like my parents? Pano kung halimaw pala sya kung magalit?"

"So it means... Mas gusto mo na si Drake? Mygaaahd. Ang bilis naman ng pagbabago ng desisyon mo. Ito lang naman ang mapapayo ko sayo. Wag magmadali sa pagpili. Kilalanin mong mabuti kung sino talaga ang mahal mo. Piliin mo yung taong mahal ka dahil panigurado hindi ka nya papabayaan. Hindi yung hahayaan kang mahirapan. Hayyyy." Sabi ko. It sadden me. Kasi ako parang wala na talagang choice. Bakit ba kasi yung lalaking yun ang napili ko.

"Couz naman. Wag ka na ma-sad. Pag malungkot ka malungkot din si baby. Baka naman pumangit ang inaanak ko nyan. Tara nga. Labas tayo. Libre kita ice cream." Yaya nya sa akin. At niyakap pa ako. Hayyy. Ang swerte ko pa din. Kahit wala akong kapatid meron naman akong pinsan na para ko ng kakambal.

Lumabas nga kami. Buti wala sila momnsa baba kundi baka tanungin na naman kung san ako pupunta.

"Anong flavor ba ang gusto mo Couz?" Tanong pa nya sa akin.

"Walang kasawaang chocolate."  Masaya ko pang sagot kay Ney.

Pero bigla kong nasulyapan si Badj. Parang may tinataguan sya. Ako ba ang tinataguan nya?? Walangya talagang lalaking 'to.

Baka kaya nya ako tinataguan dahil kukunin nya na ang gamit nya kila Drake tapos iiwan nya na ako.

"Hmmm Couz, dito na lang muna ako. Pwede bang ikaw na lang bumili? Sakit na kasi ng paa ko." Palusot ko pa.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon