dedic to
D A V E N ' S P O V
Kinabahan ako at pinawisan ng malapot nang tanungin ako ng Papa nila Courtney pero pinilit ko pa din magmukhang cool para hindi ako mahalata ni Drake na mas nauna na ata nagisa kesa sa akin.
"Bakit may pabulaklak pa?" tanong nung Papa nya.
Patay na.
Hindi pa naman namin pinaalam ang plano namin ni Courtney sa pamilya nya. Maging kay Scarlet ay hindi namin pinaalam.
"Kayo na pala. Hindi mo man lang sinabi kahit sa akin." Pagtatampo pa ni Scar.
Mabuti na lang at lumusot ang palusot ko.
Tinignan naman ako ng masama ni Courtney.
"Handa naman akong ligawan ka ulit kahit paulit-ulit pa. Hindi ako magsasawa." sabi ko sa kanya ng makita ko si Drake na nakatingin sa amin.
"Magtigil ka nga." sagot lang sa akin ni Ney.
"Napakasweet mo talaga. Yung pinaparamdam mo sa akin kasing-lamig pa din ng klima sa Baguio." sabi ko.
"Nag-iinit ang ulo ko katulad ng klima dito sa Laguna. Manahimik ka na muna." sabi nya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay nya dahil nakikita kong parang uusok na ang ilong ni Drake.
"Wag ka na mahighblood bebe ko. Sana pala hindi na lang kita binilihan ng bagnet para hindi ka nahighblood." paglalambing ko pa.
"Ayy nako Daven! Tigilan mo ako. Sermon tayo kay Papa kapag nakita tayo na ganito." sabi naman ni Ney at lumayo pa sa akin pero dumikit pa din ako sa kanya.
"Grabe! Matanda na naman tayo. Alam naman na natin ang tama at mali diba?"
Tama naman 'tong sa atin.
"Sinasapian ka ba Daven? Bakit ang kulit mo ngayon?" tanong nya sa akin.
Eh bakit ang sungit nya ngayon.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
