Keep on reading loves 😘😘.
---***---
Tin's POV
I was really hurt for what he said, pero sino ba naman ako para kontrolin sya?? Limang taon lang naman yung pinagsamahan namin. Sa loob ng limang taon na yun akala ko we're perfect for each other. He's been sweet, caring, thoughtful boyfriend. Akala ko totoo lahat ng nararamdaman nya sa akin. Akala ko bonus lang yung pinagkasundo kami ng magulang namin. Akala ko cupid namin sila Mommy. Yun pa pala ang nakasama sa aming dalawa.
Ang dami kong pangarap sa aming dalawa, ga-graduate na sya. Magkakaroon na sya ng magandang buhay. We can start our family na sana kaso wala ehh. Ang sakit sakit!
--
"Christine! May bisita ka. Bumaba ka muna dito." Tawag sa akin ni Mommy.
Hindi ko pa pinapaalam sa kanila dahil alam ko na sisisihin nila si Daven. Ayoko naman mangyari yun.
Ayokong lumabas. Ayokong makita nila ako na ganito ang itsura ko.
"Ate Christine. Ate. Please let me in." Sabi nung kumakatok.
Pinagbuksan ko sya ng pinto, si Mona pala.
"Bakit ganyan ang itsura mo Ate?" Tanong nya.
"Aahhh wala 'to naiyak lang ako dun sa pinanood ko." Palusot ko pa.
"I have to tell you something Ate, kaya ako nagpunta dito. Actually dapat nung isang araw pa, kaso wala ka naman dito. May date daw kayo ni Kuya." Sabi nya.
Unti-unti ng namumuo yung luha ko. Bakit ba kasi ganito??? Sakit sakit. Huhuhu.
"Ate, sorry to hurt your feelings ha. Hindi ko lang kasi kaya na niloloko ka ni Kuya Daven. I know he's good. Baka nalandi lang sya ng babaeng yun." Sabi nya.
Nalandi? Sino naman? Kilala ko si Daven, hindi magpapalandi yun.
"Huh? Hindi kita maintindihan."
"Remember, nung birthday ni Drake? Hindi ka nagpunta nun diba? Dun ko nakita sila Kuya Daven at Courtney na magkayakap sila sa kotse."
</3
Dun na nag-umpisa umagos ulet ang mga luha ko at nayakap ko na si Mona.
Isang beses lang ako hindi nakasama sa kanya, tapos ganun na ang nangyari. Isang iglap nawala na sya sa akin.
"Ate, don't cry. Alam ko nagkamali si Kuya pero sana mapatawad mo sya. Ako na humihingi ng sorry para sa kanya. If you want, we can talk to Courtney para layuan nya si Kuya." Suggestion nya pa.
Ano pang magagawa ng pakikipag-usap ko kay Courtney kung mismong si Daven na ang mismong nakipaghiwalay sa akin???
"Hindi na, Mona. Thank you sa concern." Yun na lang nasabi ko sa kanya.
"Ha? Okay lang sayo na may iba si Kuya? Hindi naman ata tama yun Ate." Sagot nya.
"Hindi na. I will let him to be happy. Ang sakit lang kasi nalaman ko pa kung kanino nya ako pinagpalit."
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
