sebenti tri

4 0 0
                                    

Dedic to... @lhiranelehernandez

--

S C A R L E T ' S  P O V

Awang-awa talaga ako kay Daven ng mga oras na yun.

Sa totoo lang, gusto ko magalit kay Courtney kasi dumadagdag pa sya sa problema nito. Nagpapakipot pa kasi. Jackpot na nga sya kay Daven eh. Kung pwede lang na ako na lang.

Mabuti na lang talaga at napilit ko sya na dito muna sya tumuloy. Sana lang ay wag muna umuwi si Sam.

Maaga ako gumising para sana ipaghanda ng makakain si Daven. Paniguradong gutom yun dahil konti lang ang nakain nya kagabi.

Kaso... Maleta nya lang ang nandito... Saan naman kaya nagpunta yun?

Naglakad lakad ako sa labas ng subdivision nagbabakasakaling makita ko sya.

Ngunit si Sam ang nakasalubong ko.

"Huy Scar! San naman ang punta mo ng ganito kaaga?" Tanong pa nya.

"Ah-- dyan lang bibili ng makakain." Palusot ko dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nakituloy si Daven. Paniguradong manggagalaiti si bakla.

"Hmmm. Sige. Hindi muna ako uuwi sa bahay. Dun muna ako sa baler nila Courtney." Sabi naman nya at nakahinga naman ako ng maluwag.

Pumunta na din ako sa bahay nila Drake baka kasi andun si Daven ngunit si Manang lang ang nadatnan ko doon.

"Good morning Manang." Bati ko sa kanya.

"Oh ba't naparito ka hija?" Tanong sa akin ni Manang.

"Hmm. Itatanong ko lang po sana kung nandyan si Daven." Sabi ko.

"Naku! Simula nung sinundan mo sya eh hindi na sya bumalik. Nag-aalala nga ako sa batang iyon. Ako na din kasi ang nagpalaki dun. Ang akala ko naman ay kasama mo."

"Pinatuloy ko po muna sya sa bahay kaso po wala na sya doon ngayon. Nag-aalala nga po ako sa kanya. Wala pa po syang matinong kain." Sabi ko.

"Hay naku. Sana lang ay ligtas sya ngayon. Baka hanggang ngayon ay hinahanap pa din si Drake." May point si Manang.

Bigla naman dumating sila Tita.

"Good morning po Madame." Bati pa sa kanya ni Manang.

"Good morning po Tita." Bati ko din.

"Morning." Matipid na bati nila sa amin. Pagod siguro.

"May update na po ba kay Drake?" Tanong ko.

"Wala pa nga eh." Nanghihinang sagot ni Tita.

"Ahhmm.... Si Daven po ba ay napansin nyo?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

Tumahimik sya. Wrong move ka Scarlet.

"Don't ask me anything about him." Malamig na sabi nya.

"Pero Tita, simula't sapul na nalaman ni Daven na nawawala si Drake ay hindi sya tumigil sa paghahanap. Wag naman po sana kayong magalit sa kanya. Anak nyo din naman po sya. Baka po kasi dalawang anak nyo pa ang mawala sa inyo."

Sinamaan muna ako ng tingin ni Tita.

"You don't know anything hija. Wag ka ng mangelam." Tiim bagang nyang sabi.

Na-offend naman ako. Napahiya pero mas higit ang pagka-inis.

"Tita, all my life I don't know anything. Kayo nga po ang makakasagot sa napakarami kong tanong. Si Daven lang po ang nanatili sa tabi ko nung panahong wala talaga akong malapitan. Kaya pinagtatanggol ko sya."

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon