sikstitri

6 0 0
                                        

Dedic to... Mary nicole sentillas 😘

--
Courtney's PoV

I tried to be strong after what I hear from Yza. Ewan ko kung maniniwala ako. Ewan ko kung magtitiwala pa ba ako kay DJ.

Maaring hindi si Daven yun pero nung nakita ko sya sa ospital na may kasamang babae. At sa OB pa. Ang sakit. Ang sakit sakit. Parang gusto kong magwala pero wala naman akong karapatan.

Sino ba naman ako? Nililigawan nya lang naman ako. Eh bakit pa nga ba nya ako nililigawan kung meron na naman pala syang girlfriend.

Ang masakit pa, si Scarlet pala. Why they are acting they don't know each other before?? Why they need to act they're not in a relationship while I'm around? Kailan lang ba sila naging magkarelasyon? Si Daven ba ang dahilan kung bakit andito si Scarlet?

"Couz, kanina ka pa tahimik. Andito ako. Magsabi ka sa akin ng nararamdaman mo." Sabi ni Kai.

"Kailan nya pa ba ako niloloko? Bakit? May nagawa ba akong masama??" Naitanong ko sa kanya kahit na alam kong hindi nya naman alam ang kasagutan.

"Ewan ko ba. Akala ko pa naman perfect sya. Tama ka nga Couz, ang nakikita lang natin kay Daven yung good side nya. Hindi pala natin napapansin na uma-underground na pala. Kapal din naman ng mukha ano?? Hindi kaya nilandi lang sya ni Scarlet??" Sabi ni Kai na dumagdag pa ng katanungan sa aking isipan.

"Since elementary, I admire him. Mabait, matulungin, pogi, matalino... Lahat na nasa kanya. Hindi ko akalain na lolokohin nya lang pala ako. Hindi ko pa pala sya ganun kakilala. Let's move on na lang, Couz. Siguro yun yung way ni Papa G, para ilayo ako sa taong hindi naman makakabuti sa akin."

"Hindi mo man lang ba sya kakausapin? Baka... Katulad din ito nung da--dati. Yung mali pala yung iniisip mo." Sabi nya.

"Paano kung... Pano kung totoo pala. Ang sakit na nga yung dati mas masakit ngayon."

"We're not yet sure, Couz. I think you should give him a chance to explain. Pwede din siguro na... Tanungin natin si Scar. To make everything clear." Suggestion nya.

I don't know if I can trust that girl. Bago pa lang sya dito tapos ganun na. Alam ko madali lang naman magustuhan si Daven, ang hindi ko alam ganun din pala kadali para bumigay sya.

Why?? Dahil nainip? Dahil hindi ko pa sya sinasagot? Dahil ba may chance ang kapatid nya kaya nagkaganito?? I thought he's competitive enough. Kaya ba si Drake na ang inaasahan nyang maghatid at sundo sa akin?? Eh para saan pa yung pa-selos-selos epek nya. Para syang babae. Hindi ko sya maintindihan.

--

Umaga.

As usual, pasok. Pero ngayon, pumapasok ako ng mas maaga para lang maiwasan si Daven.

Beep beep.

Sya ba yan?? Ang aga naman.

"Gusto mo sumabay?" tanong ni Ram. Kapit-bahay din namin dito.

"Hindi na. Sige na baka malate ka pa." Sagot ko.

"Sige na. Mahirap sumakay ngayon, friday pa naman. Sige na wag ka na mahiya." Sabi nya.

Napilitan din akong sumabay. Libre pamasahe na din 'to.

"So, how are you?" Tanong nya sa akin nung nakasakay na ako.

"Okay naman." Sana nga okay ako.

"Bakit hindi ka na hinahatid nung Bautista Brothers?"

"Ahh... Nagbago kasi shift ko eh. Si Drake missing in action. Hindi namin alam kung nasaan."

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon