Dduu--dduu--dduu
@nicole hahahaha
---D R A K E ' S P O V
Napakasaya ko talaga ngayon. Hindi ko akalain na dadating pala talaga ang araw na ito.
Buti na lang talaga at hindi ako tulog na tulog nung mga oras na yun.
Grabe lang!!! Wala akong mapagsidlan ng tuwa.
^_________________^
"Woooooh!!! Sinagot na ako ng pinakamamahal kong babae!!!" Sigaw ko. Kaya napatingin oati sa amin ang mga personnel namin dito.
"I love you Courtney Anne Gutierrez. Always and Forever!!" Sigaw ko pa ulet.
"Huy! Manahimik ka nga." Saway nya naman sa akin.
Niyakap ko naman sya mula sa likuran habang pinagmamasdan ang magandang tanawin.
"Sana lagi tayong ganito." Sabi ko sa kanya.
"Dapat lang na maging ganito ka ka-sweet sa akin lagi. Baka naman porket sinagot kita. Magbago ka na." Sabi nya sa akin.
"Ako pa ba Courtney?? Araw-araw kong ipaparamdam sa'yo ang pagmamahal ko. Hindi pa natatapos ang panliligaw ko dahil araw-araw kitang liligawan." Sabi ko sa kanya.
Nakita ko naman na namula sya. Hihihi nakakatuwa makita na kinikilig sya ng dahil na sa akin.
"Ang cute mo pala kiligin." Bati ko sa kanya.
"Kapal ng apog nito. Sinong may sabing kinikilig ako?" Deny nya pa.
"Haha! Wag mo ng itanggi. Kitang-kita ang ebidensya oyy."
Inalisan nya naman ako. Hayyy napaka-sweet naman talaga.
---
KINABUKASAN
Dito kami nagpalipas ng gabi. Ang saya lang.. magdamag kong nakasama ang first girlfriend ko.
Nagpahanda na agad ako sa staff namin ng breakfast. Tapsilog for my loves with hot creamy coffee.
"Good morning Baby." Bati ko sa kanya.
Napakunot naman sya ng noo.
"Baby ka dyan?! Aahhh!!! Sakit ng ulo ko." Reklamo nya pa at halatang may hang-over. Nakalimutan nya na ba na boyfriend nya na ako? Sana hindi lang yun dahil sa impluwensya ng alak.
"Tsk. Yan kasi ang iinom-inom pala hindi naman kaya." Sabi ko naman sa kanya.
Inismiran nya naman ako at pumunta sa Comfort room.
"Huy kumain ka muna." Sabi ko pa sa kanya.
"Hay nako!! Maghihilamos at magtu-toothbrush muna ako para hindi mo ako asar-asarin." Sabi nya pa.
Matapos nya maghilamos ng napakatagal. Malamig na ang pagkain namin. Talaga naman oh.
"Huuuy! Matagal ka pa ba dyan?" Tanong ko.
Lumabas naman na sya sa CR.
"Bakit? Ikaw ba 5 minutes ka lang maligo???" Sigaw nya pa sa akin.
"Sorry naman. Malay ko naman kasi na naligo ka na. Tara na. Kain na tayo."
Masaya naman kami kumain. Yung pakikitungo nya sa akin parang katulad pa din nung dati. Ewan ko kung maganda bang senyales yun o wala lang talaga yung kagabi?
Kinakabahan talaga ako. Baka ako lang yung lasing kagabi. Baka naghahallucinate lang ako. Hindi ko alam kung paano ko tatanungin sa kanya. Baka magmukha akong pathetic. Oo alam ko gustung-gusto ko na mahalin nya ako.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
DiversosHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...