Pak pak ganern. Pak pak ganern ganern. 💜💜
--
Sam's PoV
Ang tanga tanga mo ding bakla ka eh. Ano ba yung ginawa mo?? Bakit sinabi mong may gusto ka kay Daven. Arrrgggh!! Pano ko na aayusin 'to? Pano kung galit sa akin si Courtney.
Ang shunga shunga mo naman kasi, nakakainis ka. Mahal ng bestfriend mo aagawin mo. Very wrong move bakla.
Naglalakad ako ngayon sa kawalan, hindi ko alam kung san ako pupunta. Bumalik nalang kaya ako? At sabihin kong joke lang lahat ng yun.
Napatigil ako ng naramdaman kong may tumatakbo sa likod ko.
Paglingon ko, si Courtney??? Umiiyak sya.
"Courtney." Agad akong napatakbo papunta din sa kanya.
Yumakap naman sya sa akin. Ewan ko?? Guilty ang nararamdaman ko ngayon. Ang shunga shunga ko naman. Nasaktan ko ba sya dahil sa sinabi ko?? Bakit ba kasi yun yung naisip ko?? Wala din naman akong napala. Haaay.
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Napakabuti nya talaga. Imbes na sampal ang abutin ko sa kanya eto niyayakap nya pa ako.
"Bakit??" Tanong ko sa kanya.
Humiwalay naman sya ng yakap sa akin at nagtanong din.
"Ha? A-anong bakit?"
"Bakit mo ako niyayakap? Diba dapat galit ka sa akin? Kasi.. Kasi.... May gusto ako kay Daven." Sabi ko.
Niyakap nya ulet ako. Tsansing na 'tong babaeng 'to ah. Charot.
"Sorry... Sorry for hurting you all the time. Sa'yo pa ako nagoopen about kay Daven. Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita. I'm so sorry beks." Sabi pa nya.
Haaayy!! Kung alam mo lang. Kung alam mo lang na IKAW ang gusto ko. Ewan ko kung kelan nagsimula. Hindi ko maintindihan sarili ko, alam ko sa sarili ko na bakla ako pero bakit sa tuwing magkasama kami nahuhulog ang loob ko sa kanya. Sa tuwing umaaligid yung dalawa, hindi ko maiwasang mainis. Bakit? Kasi naiinggit ako, naiinggit ako kasi sila pwede nilang ipakita ang tunay na nararamdaman nila kay Courtney. Eh ako? Hanggang bestfriend na bakla lang ang tingin nya sa akin.
"Sorry Courtney. I lied." Yan na lang ang tangi kong nasabi.
Hindi na siguro tama 'tong ginagawa ko, ang dami ng naaapektuhan ng kasinungalingan na nasabi ko. Matatanggap nya naman siguro kung ano man ako o kung anuman ang nararamdaman ko. Tanggapin nua man 'tong pag-ibig ko o hindi ang mahalaga malaman nya. Tutal malapit na graduation, I know we will have our own lives after this.
"You lied? What do you mean?" Naguguluhan nya ng tanong.
"I'm sorry. Hindi totoo yung sinabi ko kanina. Wala talaga akong gusto kay Daven." Sabi ko.
Hinampas nya naman ako, matapos kong sabihin yun.
"Grabe ka beks. Lakas mo mangtrip. May paiyak-iyak pa ako kasi akala ko nasasaktan kita everyday of our lives. May paluhod luhod ka pa sa harap ni Daven. Best actress ka talaga bakla." Sabi nya na agad nagpapapawi ng mga lungkot sa mata nya.
"Oo, I maybe the best actress. Oo, araw-araw nasasaktan ako. Kasi... Kasi ang duwag ko. Kasalanan ko din naman eh. Courtney, alam ko magulo kahit ako naguguluhan sa sarili ko. Bakla ako pero heto ako nagkakagusto sayo."
Napatakip naman sya ng bibig sa sinabi ko sa kanya.
Oa din 'to minsan eh. Lalaki pa din naman ako yun nga lang kalahati na lang.
"Seryoso beks?" Tanong pa nya.
"Yeah. Hindi ko na matandaan kung kelan nag-umpisa. Hindi ko alam kung pano nangyari. It just happen. Mas lumala lang ata nung nagsimula na manligaw sayo si Daven. Alam ko naman na talo na ako sa kanya beks. Crush mo yun eh. Ang mahalaga nasabi ko sayo. At least wala akongn pagsisisihan someday. Sana lang wag ka lumayo sa akin. Sana bestfriend pa din tayo." Sabi ko sa kanya.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya ngayon, nakatingin lang sya sa akin. Siguro nag-iisip ng isasagot. Maaaring positive pero mas malaki ang tyansa na negative. Oo tanggap ko naman yun. Sino ba naman ako? I'm just Sam. Sam milby minsan pero madalas Sam Pinto. Oo ganern ako kaganda. Chaaar. Pero on a serious side alam ko naman na wala akong binatbat kay Daven. Kay Drake pwede pa. Kaso matagal nya ng gusto si Daven. Ayaw niya lang na may masaktan kaya ayaw nya muna mamili. Teka, baka naman nahihirapan din sya sabihin sa akin dahil ayaw nya din ako masaktan.
"Ney, you don't need to answer me. I'm not waiting for a yes. All I want you to know is, i always want to be with you all the time. Alam ko naman na mahirap tanggapin ang isang tulad ko. Hindi ko naman maipapangako na magpapakalalaki ako para sa'yo eh sa babae naman talaga ako. Ang ipapaki-usap ko lang sa'yo, sana walang magbago sa atin. Hindi naman ako naghahahangad na mahalin mo ako basta pagbigyan mo lang ako na mahalin ka." Sabi ko sa kanya.
"Talaga beks?? Sorry ha. Nabibigla lang talaga ako sa mga pangyayari. Hindi ko din naman kaya na mawala ka. Sana lang, wag mo din ako iwan whatever happens. Sana hindi ka magbago, sana yung beks na nakilala ko noon pa din ikaw hanggang dulo. I may not love you as boyfriend but I promise to love you with all my heart everytime. Bestfriend pa din tayo ha.."
"Oo naman. " pagkasabi ko nun niyakap ko na sya.
I will never ever leave your side Courtney. I will always love you.
--
After nung dramaness nila, umuwi na din sila sa dorm. Pag-uwi nila. Wala pa dun si Kai malamang kasama pa din ni Badj. Lowbatt pa naman phone namin ni Courtney kaya agad naman ni chinarge iyon.
Kakapower on pa lang ay agad na nagring naman ito.
"Hello Kai. "
"Hoy bakla, nawawala pa din si Ney hanggang ngayon, this is all your fault kaya tumulong ka na sa paghahanap baka kung ano mangyari sa pinsan ko. Naku!! Naku talaga!! Ikaw mananagot sa akin. " dakdak nya sa akin.
"Hahaha. Andito na kami sa dorm. Umuwi ka na din. Tama na landi. Okayy?" Sagot ko na lang.
--
Pagdating na pagdating nila Kai ay agad nilang hinanap si Ney na nasa banyo ng oras na yun.
"This is all your fault. Where is she?" Tanong naman ni Drake na halos shupakin na ang feslak ko.
Si Daven naman iwas na iwas sa akin. Ni hindi nga man lang makatingin eh. Hahaha takot siguro sa beki.
"Nasa CR lang sya. Wag OA ha. She's fine." Sabi ko na lang sa kanila.
Paglabas ni Ney sa CR ay agad naman syang niyakap ni Kai.
Ohh how sweet. Para talaga silang magkapatid.
"Okay ka lang Couz? Nasabunutan mo na ba si Sam? Gusto mo ba ako na lang ang gumawa para sa'yo?" Tanong ni Kai sabay tingin ng masama sa akin.
Hahaha talaga namang paniwalang paniwala sila.
Nilapitan ko naman si Daven na kasalukuyang nakaupo sa couch.
"How are you Daven??" I said to him teasefully. With matching pagapang pa papunta sa kanya.
Yung reaction nya parang umiiwas sa ahas kaya nasa sulok na lang sya ngayon ng couch.
"Hey! Tigilan mo nga yan." Saway naman sa akin ni Drake.
Agad naman ako tumigil, in one snap. Haha parang baliw lang.
"Edi tumigil." Sabi ko.
Si Courtney naman medyo natatawa sa ginawa ko. Nakakatawa naman kasi talaga 'tong magkapatid.
"What's happening to you Sam?" Sa wakas ay nagsalita din si Daven.
"Bakit?"
"You're acting weird." Sagot nya.
"I just realized that I don't like you anymore." I said casually.
"Wooh thank God." Sabi ni Daven na nakahinga na ng maluwag.
"Pero bakit?" Tanong naman ni Drake.
"Kasi ikaw talaga yung gusto ko." Sabi ko naman kay Drake at nilapitan sya.
Si Drake todo iwas sa akin at nagtatakbo sa loob ng room nila Ney. Sila Ney naman ay tawa lang ng tawa.
--
Thanks for reading. 😘😘
Monamie
-sweetascandy15
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
