My precious one. ❤❤
--
Scarlet's PoV
Tanghali na ata nung magising ako, pinatulog ako kagabi ni Drake sa guest room nila. Totoo nga ang sabi sa hula. Mayaman nga sila. Sana lang naman Hindi hypocrite ang magulang nya.
Bakit kaya walang tao sa bahay nila? Nasan ang magulang nila? Nasan na si Kuyang pogi? Hihi landi ehh. Infairness ah, maganda ang lahi nila.
Nagugutom na ako, nakakahiya man eh. Bumaba na ako. Kabado pa nga ako dahil baka bigla akong makita ng parents nya at tanungin kun sino ako at anong ginagawa ko sa bahay nila. Naku!! Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Nahanap ko naman agad ang kitchen nila. May nakita naman ako na katulong nila. I guess.
"Hi maam!" Bati sa akin.
"Hello po. Pwede po bang makahingi ng makakain. Gutom na po kasi ako eh." sabi ko. Kapalmuks ko na. Wala eh. Gutom na talaga kami ng baby ko. Masama ata magutom.
"Oh sure madam. Ano po ba gusto nyo kainin?" Tanong sa akin.
"Kahit ano po." Sagot ko.
"Sige madam. Upo po muna kayo sa dining area." Sabi nila.
"Dito na lang po ako. Kwentuhan po muna tayo manang." Sabi ko. Chismosa ang peg. Gusto ko magbackground check kay Drake.
Habang nagluluto si manang ng pancake eh inumpisahan ko na magtanong.
"Manang, mabait ba sa inyo si Drake?"
"Mabait na bata naman yun si Drake. Ako naman nag-alaga sa kanilang lahat. Medyo spoiled lang ang isang yun dahil siguro sya ang bunso."
"Ehh yung mommy at daddy po nila nasaan?"
"Bihira lang naman umuwi dito yun dahil kadalasan eh may inaasikaso sila sa negosyo nila. Girlfriend ka ba ni Drake?"
Grabe din makapagtanong si manang. Haha.
"Ahh ehh. It's complicated ho."
"Mga kabataan nga naman ngayon, hindi na maintindihan. Pwede namang oo o hindi ang sagot. Pero ang alam ko eh nanliligaw sya kay Courtney. Pilyo din pala yung batang yun. Sa bagay, pilyo naman talaga. Makipagsabayan ba naman sa kuya nya sa panliligaw kay Courtney."
Ha?? Anu daw? Parehas silang nanliligaw kay Courtney?? Uwian na may nanalo na. Ginalingan masyado. Daig pa ang slex at nlex sa haba ng buhok.
"Bakit po parehas sila nanliligaw?"
"Naku iha. Wag mo sana awayin si Drake dahil sa sinabi ko sa iyo. Naku! Lagot ako dun. Matagal na kasing may gusto si Drake kay Ney. Mabait na bata naman kasi yung batang yun kaya parehas nahulog yung magkapatid. Mas nauna nga lang nagsabi si Daven na manliligaw sya eh pasaway 'tong si Drake kaya ayun nakikipagkompetensya."
"Ano namang pinagtatanong mo kay manang?" Sabi nung nasa likod namin. Malamang si Drake yun.
"Wala naman nakipagchikahan lang ako kay Manang." Sagot ko.
"Chismosa." Bulong nya. Rinig ko naman. Tss.
"Bakit mo naman inaaway yung bisita mo?" Tanong naman ni Daven.
"Hindi ko sya inaaway Kuya. Wag kang magpakahero sa kanya. You'll never like her." sabi ni Drake.
Tss. Sakit naman magsalita nito. Type ko pa naman si Kuya.
"I'm not being a hero. I'm just a human. Anyway, mukhang may away kayo. Ayoko na makisawsaw dyan. But please be a human. Wag ka magpakahulk lil bro. Okayy?" Sabi nya ay umalis na.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
