143 zia 😍😍
--
Courtney's PoV
Pagbalik ko sa bahay, nadatnan ko na nag-aaway si mommy at daddy.
"You know it hurts me everytime pag binabalewala mo kami. Pati sa anak mo wala ka ng oras. Mas gusto mo pa maglaan ng oras sa pag-iinom mo. Ano bang problema mo?"
"Masasaktan ka lang pag nalaman mo!" Sabi ni Dad sabay alis na para bang hindi ako nakita.
Seeing your parents fighting is the worst feeling ever.
Ito ata ang nagpapatunay na WALA TALAGANG FOREVER.
Agad na lumapit si Mommy sa akin, hindi ko namalayan na grabe na pala ang luha na pumapatak sa aking pisngi.
"Anak, don't cry. May hindi lang kami pagkakaintindihan ng Daddy mo."
"Ma, hindi na po ako bata. Hindi ako manhid. Hindi ako bulag. Matagal ko na napapansin na ganyan si Daddy. Puro na lang trabaho, wala man lang tayong quality time. Bakit?? Pwede nyo na i-explain sa akin ngayon."
"Ayokong masaktan ka nak. Wag mo na lang alamin."
"No. I deserve to know the truth. Ayoko mabuhay na akala ko I have a perfect family but it's really not."
Truth hurts.
"Siguro hindi talaga ako mahal ng Daddy mo." Dun na bumuhos ang emosyon ni Mommy.
Yakap yakap nya ako at ramdam na ramdam ko ang bawat patak ng luha nya sa balikat ko.
"Panong di ka nya mahal ma?? Pinakasalan ka nga nya diba??"
"Hindi porket pinakasalan nya ako, ako na ang mahal nya. Yun din ang akala ko nung una. Akala ko mahal nya ako pero akala ko lang pala yun. Akala ko mas mahal nya ako kesa sa mahal ko sya. Yun pala mas mahal ko sya kesa sa mahal nya ako. Kaya ikaw, piliin mo yung mas mahal ka kesa sa mas mahal mo."
Hmmm. Between Drake or Daven ba ito??
Pero iisantabi ko muna sya bes. Family first.
"Anong dahilan ma? Bakit nagbago si Dad?"
Alam ko masakit kay Mommy na alalahanin pa yung pait pero kailangan ko din naman malaman.
"Everything's okay before until she met her first love again. Sya yung pinaka-pinagseselosan ko. Syempre first love yun tapos ang tagal pa nila kaso hindi pasado ang Daddy mo sa pamilya nung babae kaya ayun inilayo sa kanya."
Bigla naman pumasok si Daddy.
"I'm sorry." Sabi ni Daddy.
Mukhang kailangan ko muna umexit para makapag-usap sila ng maayos.
--
Problemado si Mommy. Sino pagsasabihan ko ng problema ko.
Si Kai?
Hindi naman yun pwede ma-stress.
"Bakit?? Bakit ko pa kasi nakita yun? Sana hindi na lang. Sana... Sana patuloy pa din ako umaasa na magiging ka-kami. Kaso ano nga ba naman laban ko dun. Yun may sarili ng restaurant. Eh ako?? Manager sa isang restaurant. Na ang totoo ay Ger lang walang money. Haaay. Sya maganda eh ako... Maganda din naman ako sa paningin ng mommy ko. Anong laban ko sa five years??"
Nagulat na lang ako ng bigla-bigla na lang na may baklang pabagsak na humiga sa kama ko.
"Ano ba kasi nakita mo?" Tanong nya naman.
"Wala."
"Alam ko meron, nasabi na din naman ni Drake sa akin na malungkot ka daw." Sabi ni Sam na parang lalaking-lalaki.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
