Eyti Nayn

13 1 0
                                        

T_T

Dedicated to -frazer-
-

---

D A V E N ' S  P O V

Laking gulat ko nung paglingon ko sa aking likuran ay si Courtney ang nakita ko.

O_O

Anong ginagawa nya dito??

May kasama kaya sya?

Baka kasama nya si Drake.

Kahit na gustung-gusto ko kumain sa restaurant na yun ay nagpunta ako sa counter at pinatake-out na lang ang order ko.

Hindi pa ako handang harapin sila.

Masakit pa para sa akin ang nangyari. Isang taon na pero yung sakit parang kahapon lang nangyari.

~flashback~

Masakit tanggapin na dahil kay Drake ay pinalayas ako nila Mommy. Wala silang pakelam kung san ako pupunta?? Wala silang tinira sa akin.

"Oh! Anong problema hijo?" Tanong sa akin ni Yaya Vaneng na kakalabas lang ng kwarto nya.

"Wala ho Yaya. Aalis na ho ako. Mamimiss ko po kayo." Yakap ko kay Yaya Vaneng. Sa totoo lang ay sya ang nakagisinan namin na Inay. Sya ang nag-aalaga sa tuwing may sakit kami. Sya ang gumigising ng maaga para ipaghanda kami ng almusal. Sya ang naghatid sa amin nung first day of school. Sya ang kasama namin magsimba nung mga bata kami. Sya ang lahat. Kaya mahirap para sa akin ang iwan sya.

"Bakit?? Saan ka ba pupunta hijo? Parang hindi ka babalik?" Maluha-luhang sabi nya.

"Hindi ko ho alam. Paki-bigay na lang po itong susi ng kotse at mga credit cards ko kila Mommy." Sabi ko.

"Bakit? Ano ba nangyari sa inyo?" At kinuwento ko nga ang nangyari.

"Hala. Hindi ko akalain na hahantong kayo sa ganito." Niyakap ako ni Yaya.

Iniwan na lang namin ang susi ng kotse at mga cards sa salas at nag-iwan ng note.

"Saan ho kayo pupunta?" Tanong ko nung makita kong nakaempake na din si Yaya.

"Uuwi muna ako sa probinsya. Sasama ka sa akin." Sagot ni Yaya.

At dinala nya nga ako dito sa Itogon. Malayo kila Mommy. Malayo sa problema.

Ilang araw lang ay naghanap ako ng trabaho sa lungsod ng Baguio. Ayoko maging pabigat kay Yaya Vaneng. Pumasok ako bilang singer dahil wala pa akong ibang mapasukan. Madali naman ako nakapasok dahil doon nagtatrabaho ang anak ni Yaya Vaneng na si Gela.

"Hi guys! This is... Jimmy. Anak ng officemate ni Mama sa Manila." Nagulat ako sa sinabi ni Gela pero hindi ko na iyon pinahalata sa mga kabanda niya.

Nagpaliwanag naman sa akin si Gela matapos ang sinabi nya sa mga kabanda nya.

"Ahhmmm... Ang alam kasi nila ay sa opisina nagtatrabaho ang Mama ko." Sabi nya.

"Hindi ko naman tinatanong." Malamig na sabi ko sa kanya.

"Baka kasi sabihin mo.... Si--sinungaling ako. Noong bata kasi ako lagi akong nabu-bully dahil nga katulong ang Mama ko. Ang Papa ko naman ay iniwan na kami. Wala namang magtatanggol sa akin. Ang Kuya ko naman walang pakelam sa akin. Hindi mo naman ako masisisi kung ganito ako. Inilalayo ko lang ang sarili ko sa gulo." Sabi nya pa.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon