#ilovezcmc💕
Dedic to Patriciagrace12 thanks for following mwaaah 😘😘
-----
Courtney's PoV
Nakita ko si Daven. Ang pogi nya. He looks stunning while wearing long sleeve polo and black maong pants. May dala-dala pa syang isang napakagandang bouquet ng roses at isang malaking chocolate.
May nilapitan syang babae at tinakpan nya pa ng isang kamay nya ang mata nito para isurpresa. Tuwang-tuwa naman ang babae sa ginawa ni Daven. Sa sobrang tuwa niyakap nya pa si Daven. At naglakad papalayo habang magkahawak ang kamay.
Lumingon pa sa akin ang babae bago pa sila makalayo. At ang babaeng yun ay si...
Si Scarlet.
"Huuuy Couz." Sigaw sa akin ni Couz.
At dahil dun nagising na ako sa bangungot na ayaw na ayaw kong mangyari.
"Huuuy ano ba nangyayari sayo?? Nakatulala ka lang dyan."
"Ang sama kasi ng panaginip ko eh."
"Yan kasi bigla bigla ka na lang umalis dun sa bahay nila Drake. Kala nila kung san ka na pumunta. Pinuntahan ka pa nga daw dito to make sure kung umuwi ka ba o may pinuntahang iba. " Sabi nya.
"Suuus. As if naman. Ni hindi nyo nga namalayan na nakaalis na ako eh. Masyado kasi kayo busy." I'm pertaining to Scar.
Selfish bang maituturing yung ipagdamot yung mga taong napakalapit sa akin? Halos lahat kasi sila feeling ko parang gusto agawin ni Scar. Ultimo si Kai, nung dati pag sinabi ko na uuwi na ako sasabay na yan samantalang kanina sabi nya nagkukuwentuhan pa kasi sila ni Scar.
"Busy saan?? Eh nakikipagkuwentuhan lang naman kami." Sabi ni Kai."oh my gaaaahd! Nagseselos ka ba kay Scar??" Dugtong nya nung narealize nya.
"Hindi ah." Deny ko pa.
"I'm sorry Couz. Hindi ko napansin na nagseselos ka na pala." Sabi nya at niyakap pa ako.
"Hindi naman sa ganun, Couz. Hindi ko naman kayo pipigilan if you get close to Scarlet. It's your choice naman eh. Feeling ko lang kasi.... Ah basta." Sabi ko dahil hindi ko masabi kung anong dahilan ko talaga.
"Sige na Couz. Sabihin mo na. Para namang hindi mo ako BFF."
"Yun na nga eh. You have a new friend kasi. Baka hindi mo na ako kailangan." Binatukan nya naman ako dahil sa sinabi ko.
"Hindi kailangan??! Inseperable tayo noh. We're cousins noh. Iisang dugo ang dumadaloy sa veins natin." Sabi nya.
"Ehh... Hindi kasi magaang ang pakiramdam ko kay Scar. Hindi naman sa nangju-judge agad. Feeling ko kasi aagawin nya lahat sa akin." Sabi ko sa kanya.
"Awww. Hindi naman ako papa-agaw Couz. Love na love kita eh." Sabi nya. "Pero bakit nga ba??"
"Hindi naman sa I hate her. Actually nung una magaang ang loob ko sa kanya. But eventually I felt jealous. Lagi sila magkasama ni Sam. Tapos nagiging close na kayo. She's too close to Drake. And she's starting to have friendship with Daven. Takot lang ako na lahat kayo sya na ang gustong kasama instead of me." Paliwanag ko."Tapos kanina, of all the effort that I've done si Scarlet pa din ang napansin nila Tita. I thought good shot na ako. Mas gusto pala ni Tita ang presence ni Scar. Mas gusto pa nila si Scar sa anak nila. Ang sakit kasi sinasabi nila yun sa harap ko pa mismo."
"Aaahh. Yun naman pala. Kaya pala kanina ka pa wala sa mood. Alam mo we like you in your very own way. You are far different to Scarlet though look alike kayo. At saka yung kila Tita malay mo naman may atraso sya sa bestfriend nya kaya gusto nya bumawi kay Scar. At saka.... Pinoproblema mo yung pagkagusto nila kay Scar. Sino ba talaga?? Si Drake ba??" Nang-iintrigang tanong nya.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
