I will always love you baby z 😘
Dedic to... joeeees12 :))
--
Daven's PoV
Naiwan nga kami ni Tito, sya ang nagbantay sa akin. Hindi ko alam kung bakit.
"Tito, thank you so much po dahil kayo ang nandito para sa akin." Sabi ko. Alam ko korni pero ang sama ko naman kung hindi ko sasabihin.
"Wala yun. Bakit nga pala galit na galit sayo si Kai? Ano ba ginawa mo sa anak ko?" Diretsahang tanong nya.
Napalunok naman ako sa tanong nyang yun. Kaya ba sya nandito para tanungin ako, baka bugbugin ako nito.
"Ahhh... Hi--hindi ko po ka-kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa inyo.." sabi ko muna.
"Kailangan mo ipaliwanag sa akin. Anak ko yun. Pag sinaktan mo yun, ako ang makakalaban mo."
Napalunok na naman ako. Baka imbes na hinimatay lang ako eh matuluyan na akong mamatay.
"Ahhm.. nawalan po kasi ako ng oras sa kanya.... Ka--kasi po tinulungan ko si Scarlet... Yun pong babaeng nakita ninyo nung la-last we.." pero pinutol nya ang pagsasalita ko.
"Yung Scarlet na yun?? Ahmmm... Ka-kailan mo pa sya naging kaibigan?"
"Kailan lang po. Bagong lipat lang po sya dito. Si Drake po ang kilala nya sa aming magkakaibigan. May utang daw po si Drake sa kanya kaya sya napadpad dito dahil pinalayas sya ng Lolo nya."
"Si Don Alejandro. Wala pa din pinagbago." Mahinang sabi nya pero sapat para narinig ko.
"Kilala nyo po ang Lolo nya?" Tanong ko sa kanya.
"Hi--hindi.. hindi ako sigurado." Sagot nya. Nawirdohan naman ako. Bakit may pag-react kung hindi naman pala nya kilala.
"Ahh... Okay po. Ayun na nga po. Napalapit na sya sa amin hindi nga lang ganun pa ka-close dahil bagong kakilala pa lang po. Pero nung nakita ko po syang nahimatay. Agad ko po sya tinulungan. Kaya po pala nahimatay sya dahil wala na syang pambili ng pagkain. Hinahabol nya po si Courtney dahil manghihiram po sana sya ng pera pero ang naabutan ko ang pagkahimatay nya."
"Kawawa naman pala sya."
--
Kinabukasan, pauwi na sana si Tito ng biglang dumating si Scarlet. Humahangos pa sya.
"What happened to you?" Tanong nya.
"Overfatigue lang daw sabi ng doctor." Sagot ko sa kanya.
"Lang?! Overfatigue yun boi!! Magpahinga ka naman kasi!" Sigaw pa nya. Ang OA ahh.
"Relax. I'm fine now. Ikaw ang wag masyado magpagod. Masama sa baby yan." Sabi ko.
"Ha?!!! Buntis ka?!" Pasigaw na tanong ni Tito na kinagulat namin.
Nagkatinginan lang kami ni Scar. Bakit?? Bakit ganun na lang yung reaksyon nya?
"Ahh... I'm just asking... Medyo bata ka pa kasi.." paliwanag naman ni Tito.
"By the way, Scarlet si Tito Joselito. Courtney's dad." Sabi ko na lang.
Nakipag-kamay naman si Scarlet sa kanya. Pero yung reaksyon ni Tito kakaiba talaga. Mangiyak-ngiyak sya.
"Hi po. Scarlet po." Sabi sa kanya ni Scar.
"Joe na lang." Sagot naman ng daddy ni Courtney.
"Tito what's wrong po? May problema po ba kayo?" Tanong ko. Alam kong hindi mapalagay si Tito.
"Ahh... Wala wala..lalabas lang muna ako." Sabi nya at saka lumabas ng kwarto.
Paglabas nya. Hindi na napigilan ni Scarlet ang magtanong.
"Problema nun?" Tanong nya.
"I don't know. Actually kada makikita ka nya napapansin ko na ganun lagi ang reaksyon nya. He's always emotional. He even ask about you and he knows the name of your grandfather." Sabi ko.
"Talaga? Baka kakilala nya ang Mommy ko. Baka alam nya din kung sino ang Daddy ko. I need to talk to him. I need to know more about my Mommy. Gusto ko na makilala ang Daddy ko baka sakaling sa kanya makahanap ako ng pamilya." Mangiyak-ngiyak na sabi din ni Scar.
"Sshhh stay calm. Masama sa baby mo yang ganyan." Sabi ko.
"I can't stay calm. Eto na... May malalaman na ako tungkol sa mommy ko. Sana nga may alam si Tito. Sana masagot nya lahat ng katanungan ko." Sagot nya.
"I'm warning you. May kasungitan si Tito. Baka... Baka hindi nya gustong magshare. You can ask Mom pagdating nya tungkol sa mga katanungan mo. Bestfriends sila diba? For sure may alam yun." Sabi ko.
"Eto na.. nandyan si Tito. Mommy mo hindi pa alam kung kelan uuwi." Sabi nya at saka lumabas ng kwarto.
Gusto ko man sundan si Scar hindi ko naman magawa dahil nanghihina pa din ako. Sa lahat naman ng pinagdadaanan ko ngayon, kailangang-kailangan ko magpahinga.
Sana naman mapatawad na ako ni Courtney. Sana masabi ni Tito na wala naman akong kasalanan.
Pero kung gusto nya na hindi muna ako maka-usap. Okay lang. Siguro gusto nya magfocus sa training nya. Baka makagulo din ako sa isip nya kung guguluhin ko pa sya.
Agad naman bumalik si Scarlet sa kwarto. She looks exhausted.
"What happened?" Tanong ko.
Bumuntong hininga muna sya bago nya ako sinagot.
"Hinabol ko sya pero hindi ko na naabutan. Akala ko pa naman makaka-usap ko sya. Bakit parang tinabuhan nya ako?" Sabi nya.
"Baka naman pagod na. Ang tagal nya din ako binantayan." Sabi ko na lang pero kahit ako nagtataka sa kinikilos ni Tito.
Hindi kaya si Tito ang daddy ni Scarlet? Kaya ba ganun na lang ang reaksyon ni Tito? Eh bakit kaya tumakbo sya??
Paniguradong masasaktan si Courtney pag nagkataon na tama ang hinala ko. Sana wag naman dahil baka masira pa ang pamilya nila.
--
Nakalabas na din ako ng ospital. Agad akong pumunta kila Courtney para magpasalamat kay Tito.
Naabutan ko pa na kausap ni Tita si Courtney thru video call. Gustuhin ko man sumingit pero kabastusan naman yun.
"Good... A-afternoon po Tita. Nandyan po si Tito?" Kakaba-kabang tanong ko dahil nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Tita nung nakita nya ako.
"Ano naman ginagawa mo pa dito?!" Sigaw naman ni Kai na galing siguro sa kitchen nila.
"I...just want to say thank you to Tito." Sagot ko.
"At bakit ka naman magpapasalamat? Baka pag nakita ka nun bugbugin ka pa nya." Sabi ni Kai.
"Binantayan nya kasi ako sa ospital." Sabi ko.
"Wala sya dito. Makaka-alis ka na." Sabi ni Tita.
Wala na akong nagawa kundi umalis na lang. Galit nga si Tita sa akin. Hayyy napakahirap paniwalain ng mga babae.
--
Thank you for reading.
Vote
Comment
FollowKung gusto nyo lang naman po.
Monamie
-sweetascandy15

BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
AléatoireHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...