Just stand strong. 👊
DEDIC TO ate_camsahamnida sweetdreamer_123 Iyajzzx
--
C O U R T N E Y ' S P O V
Isang tumbling lang ay nasa Zoo na kami.
"Ang galing talaga dito sa Manela oy. Kedaming pasyalan." Sabi pa ni Kai sa ibang tono.
Pagpasok pa lang nakita na agad namin ang picture with wild animals.
"Tara! Papicture tayo dun." Yaya ko sa kanila.
Nanlaki ang mata nila nang may makita silang buwaya na hawak ng mga nagpapapicture.
"Oh my God. Mag-isa ka Ney." Sabi ni Scar sa akin.
"Don na lang tayo sa parrot." Suhestyon naman ni Kai.
"Ano ba naman yan wala man lang thrill." Sabi ko pa.
"Dun na lang sa snake." Sabi naman ni Gela.
"Common na yan. Tara dun sa buwaya." Sang-ayon naman sa akin ni Daven.
"Kayo na lang." Sabi ni Gela.
Napatingin naman sa akin si Daven dahil siguro sa sinabi ni Gela.
"Tara." Yaya sa akin ni Daven.
"Hoy sa picture lang." Bawi ni Gela sa sinabi nya.
Pinanood naman nila kami hbaang nagpapapicture sa buwaya.
Yung kaba ko legit. Feeling ko bigla na lang ako sasakmalin ng buwaya.
"Don't be nervous." Bulong sa akin ni Daven.
"Tae. Bakit ko ba kasi naisipan 'to." Sabi ko sa kanya at napatawa naman sya.
"Dikit po kayo kay Sir,Maam." Sabi pa nung photographer.
Dumikit naman ako kay Daven. Hinilig nya pa ang ulo nya sa balikat ko nung pangalawang shot na.
"Ang dami kong magagandang kuha sa inyo Maam, Sir. Pili po kayo ng ipiprint natin."
Isa-isa namin tinignan. Ang gaganda nga ng mga kuha.
"Magkano po ito?" Tanong ko.
"250 po Maam." Sagot ni Kuya sa akin.
"Ha?! Ang mahal naman po." Sagot ko.
"Dahil maganda at pogi kayo didiscountan ko kayo. 150 na lang. Basta pumayag kayo na ipost ko ang picture nyo dyan." Sabi nya habang tinuturo ang mga sample shot nya.
"Sige po. Kukunin namin lahat." Biglang sabi ni Daven.
"Ha??! Ang mahal nun." Sabi ko sa kanya.
"Mas mahal kita." Sagot nya at natigilan naman ako dun.
"Hoyyy!!!! Ang cheesy." Sabi pa ni Scar na nakapansin sa amin.
Nagpakuha din sila Kai ng pangfamily picture nila. Maging si Drake at Scar din.
"Bakit sa inyo mukhang happy family kayo?" Bati pa ni Kai sa family pic nila Drake.
"Ang cute nyo nga oh. Ang ganda ganda naman ng prinsesa namin." Sabi pa ni Scar sa anak ni Kai.
"Ang cute cute nyo naman." Bati naman ni Gela. "Samahan nyo naman ako magpapic. Ang duga nyo naman." Sabi ni Gela.
"Hay nako! Takot kami sa ahas noh." Sabi ni Badj.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
