nayntipor

8 2 0
                                    

dedic to chocolateicecream11

--

  D R A K E ' S  P O V

Hindi ko inaasahan na makikita ko si Courtney.

Tila lumundag ang puso ko nang masilayan ko ulet ang kanyang mukha. Napakaganda nya pa din kahit na blangko ang mukha nya. Para bang ayaw nya talaga akong makita.

Eh baliw ka ba  sa ginawa mo ba naman. Buti nga nagpunta pa sya sayo.

Nagmamadali akong bumangon, hindi ko na alintana yung mga karayom na nakakabit sa akin. Nandito na ang gamot sa aking kalungkutan.

"Ang tagal kong naghintay sayo. Bakit ngayon ka lang? I really really miss you." sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya. Halata ko naman na para bang ayaw nya ng ginagawa ko sa kanya. Hindi naman ako manhid.

Pinaupo ko na lang muna sila ni Kuya. Para akong bata na laging nakatingin sa matagal nya ng hinahangad na laruan.

"What do you want, Babe?" tanong ni Kuya sa kanya.

Babe?

Nagpanting agad ang tenga ko. Hindi ko inaasahan na maririnig ko sa kanilang dalawa yun.

"Babe? What does it mean?" tanong ko.

"We're in a relationship." sagot ni Kuya Daven.

Ang buong akala ko, sinamahan nya lang si Courtney dito.

Bakit??

"Umalis na lang kayo." Tanging nasabi ko at nahiga na muli sa kama ko.

Nagpaalam pa muna sila kay Mommy bago umalis.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Mommy pagkalabas na pagkalabas nila Daven.

"Ma...." yun palang ang nasasabi ko pero yumakap na agad sa akin si Mama.

"Tinupad naman ni Mama ang pangako ko. Hindi ko naman akalain na magkarelasyon na pala sila. I swear, anak. Hindi ko talaga alam. Ayoko makitang nasasaktan ka." paliwanag sa akin ni Mama.

"Akala ko, nandito sya para sa akin. Akala ko babalik sya sa akin, Ma, Ang sakit. Alam ko naman na karibal ko sa kanya si Kuya pero masakit pala pag nakita mo ng harapan." umiiyak na sabi ko.

"I'm so sorry nak. Hinihiling ko sana na tulog ka pagdating namin, kaso hindi eh. Hindi ko naman sila mapigilan na hindi sabihin kung ano mang merong namamagitan sa kanila."

"Napaka-unfair. Hindi ba ako pwedeng maging masaya?" tanong ko habang pinipigilan ang iyak pero pilit pa din kumakawala.

"Iiyak mo lang yan nak. Nandito lang ako para sa'yo. Hindi ka iiwan ni Mama." sabi nya at hinaplos-haplos ang buhok ko.

Kinabukasan ay lumabas na ako ng hospital. Napakarami naming alala dito sa lugar namin. Hindi ko maiwasan na malungkot kapag naaalala ko ang mga yun.

Sakto pa na nakita ko silang naglalakad magkapatid papunta sa park. Kasama nila si Botchok.

"Dahan-dahan lang Kuya." sabi ko sa driver namin.

"Ang laki na pala ng anak mo." sabi sa akin ni Mama."Alam mo ang cute cute nya. Kamukhang-kamukha mo sya nung baby ka pa." bati pa nya.

"Okay na pala sila?" tanong ko kay Mama na patungkol sa magkapatid,

"Oo anak. Mabait pala talaga si Courtney. Nalaman ko yun nung pinuntahan ko sya sa kanila. Hindi nya ako pinagtabuyan katulad ng ginagawa ko sa kanya sa tuwing nakikita ko sya. Inalalayan nya pa ako nung makita nya na akong umiiyak." kwento n i Mama at napabuntung-hininga pa.

Forever na nga more paTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon