Jollibee chicken and spaghetti 🍗🍝
---
C O U R T N E Y ' S P O V
Ito na ang araw na ayokong mangyari. Ang makita ko ulet ang magulang . Aaminin ko na hindi ko gusto ang nangyari noong huling nagkita kami.
Hindi ko akalain na meron pa pala siyang side na hindi ko pa nakikita. Ang initrimitida side nya.
Pinagbutihan ko ang trabaho ko, ayokong mapahiya si Drake sa pagtanggap sa akin.
Pero ang hindi ko matanggap ay yung hindi nya man lang ako pinakilala bilang girlfriend nya.
Pagtapos ng duty ko ay nagmamadali akong lumabas ng resto. Nag-book na din ako ng grab para makaalis ako agad.
San ako pupunta?? Hindi ko alam. Kung san na lang ako mapadpad.
Tunog ng tunog ang cellphone ko pero hindi ko na lang pinapansin. Alam ko naman na si Drake lang yun.
Ilang oras din akong nakatulala sa kawalan. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung anong mga tumatakbo sa isip ko.
Umuwi na ako nung gabi na. Nakita ko pa si Drake na dial pa din ng dial sa cellphone nya. Nasa labas sya ng bahay namin.
"Courtney!" Sigaw nya nung makita nya ako.
T_____T
"San ka ba nanggaling?? Bakit bigla ka na lang nawala sa resto?" Sunud-sunod na tanong nya.
T______T
Nagtuluy-tuloy lang akong pumasok sa bahay.
"Sis! Andyan ka na pala. Look baby! Tita Ninang is here na." Sabi nya at hinarap nya pa sa akin si Botchok na ngising-ngisi naman.
"Hi baby Botchok! Papalit lang ng damit si Tita Ninang ah." Sabi ko.
"Kanina ka pa hinahanap ni Drake. Naka-ilang balik na sya dito." Sabi pa ni Scarlet.
"Ney, if you're mad at me. Talk to me. Hindi yung bigla mo na lang akong hindi kakausapin." Sabi pa ni Drake na nasa pinto.
Pero nagtuloy-tuloy pa din ako papasok ng kwarto.
Ayokong makita ang mukha mo!
Hinayaan ko lang sya. Naghihintay pa daw sya sa akin sabi ni Scar. Nagpadala na lang ako ng pagkain sa kwarto dahil ayoko talagang makita si Drake.
"Nakaka-awa na sya Sis." Sabi pa sa akin ni Scar.
"Hayaan mo lang sya."
"Ano ba naging problema nyo?"
"Para naman syang walang girlfriend eh." Sabi ko.
"Bakit naman? Pano mo nasabi?"
"Dumating kasi yung parents nya kanina sa resto. Tapos hindi man lang ako pinakilala bilang girlfriend nya." Sabi ko.
"HAHAHAHAHAHA!" Reaksyon ni Scar.
"Huy! Tawa ka dyan! Nakaka-inis ka naman sis ehh." Nguso ko pa sa kanya.
"Ang babaw naman kasi seswang. Tapos ganun na ang hirap ni Drake sa paghahanap sa'yo. Maawa ka naman dun sa tao." Sabi nya.
"You don't understand sis. Hayyy! Parang walang nakaka-intindi sa akin." Sabi ko pa.
"Nandito ako para intindihin ka basta ipa-intindi mo din sa akin." Sabi ni Drake na nasa pinto na pala dahil pinapasok ni Scar.
"Mag-usap kayo ng maayos. Ikaw naman kasi! Bakit hindi mo pinakilala sa parents mo bilang girlfriend? Tss!" Sabi pa ni Scarlet at lumabas na sila ng kwarto ni Botchok.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
LosoweHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...