🎶Napakasakit Kuya Eddie
---
C O U R T N E Y ' S P O V
Ano ba ginawa kong kasalanan at nangyayari sa akin ito.
Nakatulala ako sa labas ng bahay ng madatnan ako ni Mama.
"Alam kong iniisip mo pa din si Scarlet." Sabi sa akin ni Mama.
"Ang laking problema kasi Mama. Tatanggapin nyo ba sya dito sa bahay?" Tanong ko habang maluha-luha pa.
"Hindi naman masama anak. Anak sya ng Papa mo. Malaki ang pagkukulang ni Papa sa kanya. At wala na din naman syang pamilya."
Doon na talaga pumatak ang luha ko.
Yung tanging kakampi ko ay si Scarlet na din ang pinapaboran ngayon.
"Hindi ba kayo masasaktan Ma? Nakikita nyo sya. Ang bunga ng pagtataksil ni Papa." Sabi ko.
"Wala na sa akin yun, Ney. Matagal na panahon na yun. Magkaibigan din naman kami ni Sharlotte. Ang mali lang namin ay nagmahal kami ng iisang lalaki. Nagparaya sya sa akin nung dati dahil napakahigpit ng Lolo mo. Mayor ang Lolo mo noon at ayaw nyang madumihan ang pangalan nya. Kahit na sila na ang magnobyo ng Papa mo noon ay pinabalikan nya ako sa Papa mo para lang hindi ako malagot sa Lolo mo." Paliwanag nya sa akin. "Kaso nung nalaman ng Lolo mo na hindi galing sa mayamang pamilya si Joe ay itinakwil nya na ako." Malungkot nya pang sabi.
Hayy may magagawa pa ba ako?
After namin mag-usap ni Mama ay lumabas muna ako. Pumunta ako sa park.
Naka-upo ako sa swing na maramdaman ko na may papalapit sa akin.
"Sabi ko na nandito ka." Sabi ni Kai kasama nya si Sam.
"Nagpapalamig lang ng ulo." Sagot ko.
"Buti at kaya mo pa palamigin. Kung sa akin nangyari yan hay naku talaga." Sabi ni Sam.
"Pwede ka magkwento sa amin. Makikinig kami sa mga hinanakit mo. Alam naman namin na kailangan mo kami."
Dahil sa sinabi ni Kai ay unti-unti ng pumatak ang luha ko.
"All my life.. I can't feel that Papa loves me. Yun pala ang dahilan. Ang sakit lang yung nakikita kong concern nya kay Scarlet ay kahit kailanman hindi nya ginawa sa akin." Sabi ko.
"Intindihin na lang siguro natin sitwasyon nila. Since birth hindi nya naalagaan si Scarlet. Baka kaya na lang ganun ang concern nya. Atsaka buntis kasi sya at risk ang baby sa tyan nya." Sabi naman ni Sam na alam ko naman na pinapagaan nya lang ang loob ko.
"Isa pa yan eh. Inagawan nya na nga ng jowa si Couz. Inagawan nya pa ng Tatay. Ibang klase naman talaga." Sabi ni Kai.
"Wala na akong pakelam kung anuman ang meron sa kanila ni Daven. Nagparaya na ako para sa bata." Sagot ko.
"Pero alam ko... Nararamdaman ko na nasasaktan ka.. kahit na si Scarlet lang ang nakikita mo nasasaktan ka."
Doon na ako humagulgol. Hindi ko na kinaya ang mga problemang dulot nya.
"Wag ka na umiyak Couz. Kung ako sa'yo si Drake na lang hindi na ao team Daven. Ayoko na sa kanya. Wala syang kwentang lalaki." Sabi ni Kai. At binatukan naman sya ni Sam.
"Lumayo ka pa talaga noh?! Hindi na lang talaga ako ang sinuportahan mo noh?! FYI lang ha. Hindi pa din nawawala ang feeling ko kay Courtney at laging nandito ako para sa kanya hindi katulad ni Drake na missing in action." Pagtatanggol ni Sam sa sarili nya.

BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...