Be safe always, readers. ^^
WANHANDRED SEBEN
C O U R T N E Y ' S P O V
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Masaya ako na ligtas pala si Daven pero nalulungkot din ako dahil hindi ko naman ginusto na si Drake ang mawala.
Awang-awa ako sa kapatid ko nang malaman namin na si Drake pala ang nakahimlay.
"Hindi nyo ba alam na si Drake?" tanong ni Gela.
"Hindi. Ang akala talaga namin si Daven." Sabi ko kay Gela.
"My ghad. Nakakaawa si Scar. May anak pa naman sila. Hindi mo talaga masasabi ang buhay ng tao." Sabi pa nya. Napaisip din ako.
Hindi mo din talaga masasabi ang buhay ng tao, hindi mo alam kung hanggang kalian tayo mabubuhay. Hindi ko din naman alam kung pano sasabihin sa kanya na mahal ko ang boyfriend nya.
Kinausap ko si Scarlet, alam kong kailangan nya ngayon ng makakausap. Pero natatakot din ako baka kasi galit sya sa akin. Baka galit sya dahil akala namin ay si Daven talaga ang nawala.
Nilapitan ko sya habang titig na titig sa larawan ni Drake. Nang maramdaman nya na tumabi ako sa kanya ay agad nya akong niyakap at humagulgol na.
"Turuan mo ako... turuan mo akong manalangin na sana hindi si Drake ang nakalagay dyan sa urn na yan." Humagulgol na sabi nya.
"I'm sorry. Hindi ko naman hiniling na si Drake ang nandyan." Nauutal kong sabi sa kanya.
"Alam ko. Turuan at tulungan mo ako... Paano yun? Paano mo nagawa yun? Kailangan ko bang tawagin lahat ng santo para ibalik nila si Drake?" humihikbing sabi nya.
"Hindi ko alam. Nagawa ko yun nung akala ko si Daven ang nawala. Pero... Scar totoo na ito. Alam ko masakit. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo."
"Sobrang sakit pala noh? Parang hindi ko kakayanin... nag-uumpisa pa lang kami.. kakaamin ko pa lang sa kanya.. akala ko... akala ko magkakakroon kami ng magandang love story kaso yung iniimagine ko na aso't pusa na relasyon.. wala na... wakas na agad." Sabi nya at tumulo agad ang luha ko.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, hindi ko alam kung anong salita ang makakapagpagaan ng bigat na nararamdaman nya.
"Bata pa ang anak ko, wala na agad syang Daddy." Sabi pa nya. "Paano na kami nito ni Botchok?" tanong nya sa akin.
"Nandito ako. Nandito kami ni Mama at Papa. Wag kang mag-alala. Marami pa kaming handang mag-alaga at tumulong sa inyo ni Botchok.
"Salamat."
Ilang araw din inilagak ang mga bao ni Drake sa chapel. Halos lahat ay nagulat sa kanyang pagpanaw. Matapos ang ilang araw ay sa bahay naman nila ito nilagak. Hinihintay pa kasi namin si Daven na makalabas ng hospital bago ihatid sa huling hantungan si Drake.
Mabilis lang ang araw, hindi namin malaman kung ano ba ang emosyon namin. Masaya kami na lalabas na si Daven ngunit hindi namin alam kung magiging masaya pa ba kapag nalaman nya na wala na si Drake.
"Bakit parang hindi kayo masaya na lalabas ako ma?" tanong ni Drake nung sinundo namin sya sa ospital.
"Masaya kami anak. Masaya kami na magaling ka na." sabi ni Mrs. Bautista na mangilid-ngilid ang luha sabay lumingon sa bintana. Hinawakan ko na lang ang kamay ng Ginang.
Hanggang sa makarating kami ng bahay ay tahimik lang kami. Nauna pa bumaba si Daven at masigla pa kaming pinagbuksan ng pinto.
"I miss the morning sun." sabi nya at sinalubong pa ng yakap ang mga nag-uunahang aso nila. "Miss nyo ba ako?" tanong nya sa mga aso.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
