nayntitri

11 1 0
                                        

Thank you for patiently waiting.

Dedic to ateemongqt nicole_ry lhiranele ♥️

----

C O U R T N E Y ' S  P O V

Gulong-gulo ang isip ko.

Bakit mo kailangang gawin yan sa sarili mo Drake?

Naaawa ako sa kanya. Pero hindi pwede, hindi pwede na ganun lang ako kadali magpadala.

Wala na akong maramdaman na galit sa kanya. Pero hindi ganun kadali magpatawad.

"Nahihirapan ka ba?" Tanong sa akin ng pamilyar na boses.

Napalingon ako sa kanya. Hindi ako nagkamali.

Si Daven.

Hindi ako nakasagot agad sa kanya.

"Basta gawin mo ang tama. Masakit man pero yun ang tama. At hinding-hindi mo iyon pagsisihan." Sabi nya.

"Napakadali isipin na yun ang dapat kong gawin pero napakahirap gawin." Sagot ko.

"Mahal mo pa sya?"

....

....

....

Alam ko sa sarili ko na hindi na.

"Hindi." Diretsahang sagot ko sa kanya.

"Hindi ako nanininiwala." Sagot nya agad. 

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Magulo. Hindi ko na sya mahal pero nag-aalala pa din ako sa kanya. 

"Naaawa ako sa kapatid mo." sagot ko sa kanya.

"Oo alam ko. Kahit ako ay naaawa sa kapatid ko. May balak ka bang puntahan sya?" tanong nya sa akin.

"Hindi ko alam. Ikaw lang naman kasi 'tong mapilit na isama ako dito eh. Ngayon, gulong-gulo ako." wala sa sarili kong nasisi ko sya kung ano ang nangyayari sa akin.

"Tutulungan kita. Isinama kita para mailigtas ang buhay ng kapatid ko. Alam ko na hindi na sya magtatangka ulet kapag nakita ka nya ulit pero hindi ko sinasabing paasahin mo sya. I mean, hindi ko sinasabing makipagbalikan ka sa kanya. Pero ang tanong ko... Gusto mo pa ba sya balikan?" dire-diretsong tanong nya sa akin. Titig na titig sya sa akin na para bang sinusuri kung totoo ba ang isasagot ko. 

Hindi ako nakasagot agad.

Pano kung sa pagkikita namin ay umasa agad sya na kaya ako nagpakita sa kanya dahil mahal ko pa sya. Baka gamitin nya ang sitwasyon para maipit ako sa sitwasyon na mahirap na kumawala.

"Hindi ko na sya gusto balikan. Kaya nga ako nagpakalayo-layo para hindi nya na ako magulo. Tapos eto na naman ako.. nasa mahirap na sitwasyon na naman."

"Tutulungan kita." matipid nyang sagot.

"Sa paanong paraan naman?" 

"Magpapanggap tayo."

O_o

"Ha?" napanganga talaga ako sa suhestyon nya. 

Pano naman yun makakatulong? Baka nga mas maging magulo pa.

Forever na nga more paMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon