----
Courtney's PoV
"Haba ng hair mo Couz. Dinaig mo pa si Rapunzel." Sabi ni Kai. Nung kinuwento ko sa kanila yung nangyari.
"Hindi naman kasi talaga mahirap magustuhan si Ney." Sabi naman ni Sam.
"Aminado ka na maganda ako?" Tanong ko naman.
"May sinabi ba akong maganda?? Sabi ko hindi mahirap magustuhan eh. Mas maganda pa din ako sayo girlah." Sagot nya.
Hahahaha hindi talaga sya magpapatalo. Maldita yan eh.
"Eh pano na yun? Magkapatid pa may gusto sa'yo. Kilala mo naman siguro si Drake. Lahat gagawin nun. For love sake." Sabi naman ni Kai.
"Yun na nga eh. Baka kung anu-ano na naman pagawa nun. Baka pabugbog na naman ako nun. Remember before, pero hindi naman sya yun. Pano pa kaya pag sya ang may pakana. Baka makita nyo na lang ako na nakabalot sa packaging tape at iwan sa gutter ng kalsada." Sabi ko.
"Baka naman hindi ganun, baka imaleta ka naman. Mayaman kaya si Drake. Hahaha tapos itatapon sa ilog. Gosh creepy." Sabi naman ni Kai.
"Mga loka-loka talaga kayo, baka kidnappin nya kayo ni Daven."
"Edi bongga. Till death do us part ang peg." Sabi ni Kai.
"Sira. Hindi pa tapos kwento ko. Baka ipakidnap sila tapos rape-in sya sa harap mismo ni Daven. Syempre ouchy yun. Tapos wala man lang magawa si Daven dahil nakagapos sya. Tapos manlalaban si Ney, kaso babarilin sya ni Drake. At hahayaang mabulok ang katawan sa bodega na yun."
Mga loka-loka talaga 'tong mga 'to. Takutin ba naman ako. Syempre lalaban ako. Hindi ko hahayaang sayangin nya lang mga pangarap ko sa buhay.
"Ano naman pinag-uusapan nyo?" Sabi naman ni Badjie na kakarating lang.
"Wala yun. Pinagkukuwentuhan lang namin kung pano sya imumurder ni Drake." Sagot ni Sam.
"Speaking of, nasaktan talaga sya kagabi nagpakalasing talaga sya dahil broken hearted sya sayo Courtney." Sabi ni Badj.
"Ayy kawawa naman." Sabay pa na react ni Sam at Kai.
"Broken naman agad. Hindi pa naman kami ni Daven." Sagot ko.
"So may pag-asa si Drake?" Tanong ni Sam.
"I don't know."
"Kahit naman ako ang nasa kalagayan ni Couz, malamang sa malamang si Daven ang sasagutin ko." Sabi ni Kai
"Eh matagal ka na namang patay na patay kay Daven eh." Sabi ko naman.
"Eh pano na yan? Pano yung magkapatid sayo Ney?" Tanong ni Badjie.
"Hindi ko pa naman sigurado kung totoo ba yung nararamdaman nila. Baka naman trip lang nila ako. Pero honestly speaking, ang hirap hirap ng sitwasyon ko. I don't want to hurt anyone. Pag pumili kasi ako ng isa sa kanila, alam ko na may masasaktan sa kanila."
"That was really hard. Eh bakit hindi na lang. May the best man win?" Tanong naman ni Badj.
Medyo good idea. Kaso pano kung talunin ni Drake si Daven? Pano na kami ni Daven?
"Bahala na si batman. Kung sino ang ibigay ni Lord." Sabi ko.
*toktoktok
Lahat kami nagkatinginan. Lahat na naman kami andito na. Sino naman ang kakatok ng ganito kaaga.
Si Sam ang nagbukas ng pinto.
"Good morning." Bati ng gwapong nilalang.
Automatikong napa-ayos naman ako ng buhok. Enebenemen kese. Ang aga-aga bruhilda pa ako.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
De TodoHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...
