Mahirap ang buhay. Pero kailangan pa din ipagpatuloy. Fight! Fight! Fight! 👊☝💪
--
Drake's PoV
"Ney, let's hang-out. Siguro naman pwede na ako naman. Wala naman si Kuya eh." Sabi ko with matching paawa effect pa.
Hindi naman sa dumidiskarte pa. Gusto ko lang sulitin ang bawat sandali habang hindi nya pa nalalaman.
"Pwede naman. Dami mo pang kuda dyan." Sagot nya naman.
"Where do you want to go?" Tanong ko naman sa kanya.
"Bora." Pabiro nyang sagot.
"Hmm! Gusto mo ba talaga? Pwede naman tayong pumunta dun agad-agad." Sagot ko sa kanya.
"Haha mayaman ka nga pala. Hindi naman pwede noh. May work ako. Hmmm nakakasawa na magmall."
"Nuvali you want?" Tanong ko sa kanya.
Tutal malapit lang naman. Gusto ko din naman magrelax.
"Hmmm pwede din."
After few minutes, sinundo ko na din sya sa kanila.
"You look stressed. May problema ka ba?" Tanong nya sa akin habang nagmamaneho ako.
"Yeah. Pero gusto ko muna kalimutan yun. Kaya nga kita niyaya eh. Magpakasaya na lang muna tayo." Sabi ko.
"Haha! Coming from Drake 'the happy go lucky guy'. Eh lagi ka lang naman nagsasaya. At saka ako kasama mo malamang sobrang saya mo na." Sabi nya sa akin with full confidence. Sabay kindat pa.
Naku! Courtney. Kaya ako mas maiinlove sayo ehh. Wag ka ngang ganyan.
"Haha! Yabang nito. Kala mo naman kagandahan." Pang-aasar ko naman sa kanya.
"Hahaha I know I may not be beautiful but I'm confidently cute with a big heart." Sagot nya.
"Ang witty mo bes. Feeling mo miss universe ka."
"Alam ko naman na may isang tao na magtuturing sa akin na ako ang miss universe ng buhay nya."
That's me. Kaso may buset na umentrada sa buhay ko. Sana bangungot lang 'to. Gusto ko ng magising.
Masaya naman kaming namasyal dun. Ginawa pa akong photographer. Ang saya-saya ko pag kasama ko sya. Kahit na gawin nya akong alila okay lang basta kasama ko sya.
"Kamusta naman kayo ni Kuya?" Tanong ko sa kanya.
I know this will hurt me pero ganun talaga ang life. Tanggap ko na din naman na talo ako ni Kuya.
"Anong klaseng tanong naman yan?"
"Kunyari ka pa. You like Kuya more than me. Right?"
"Tara na nga. Kumain muna tayo. Gutom lang yan."
May pag-asa pa kaya ako kaya ayaw nya sagutin?? Asa ka pa Drake. Eh magkaka-anak ka na nga.
Habang papunta kami sa mga restaurant, may nakita kaming baby sa stroller na mukhang walang bantay.
"Hala! Nawawala ata yung baby." Takbo agad sya palapit dun sa bata.
Ang lakas na nung iyak nung bata kaya kinarga na agad ni Courtney.
Haaaay kung sya lang ang magiging ina ng anak ko. Hayahay siguro ang buhay.
"Hey! Baka mapagkamalan tayong kidnapper nyan." Sabi ko sa kanya.
"Tss! Heartless. Umiiyak na nga yung baby oh. Wala ka pa din gagawin?" Sabi nya sa akin.
Pumunta naman sya kung saan pwede ipapage yung nawawalang baby.
BINABASA MO ANG
Forever na nga more pa
RandomHow can you be inlove when you're scared of being broken? I never been into a relationship. Takot ako. Takot ako sa magulang ko. Ayoko sila madisapoint. Inuna ko muna ang pag-aaral ko. Takot akong masaktan. Heartbreak na naririnig kong reklamo ng...