"Jino."Nahinto ako sa paglalakad sa may corridor nang marinig ko ang pangalan ko, at mas lalo dahil sa tumawag.
I know who he was. I know his voice. I sighed, biting my lower lip. Marinig ko lang ang boses niya nahihiya na ako... pero wala naman na akong choice kun'di harapin siya at kausapin.
Napatulala ako sa kaniya nang harapin ko siya.
He is smiling at me. He acted so normal. I remember all my messages to him last night. Gusto ko sapakin ang sarili ko sa kahihiyan!
"Hey? Ayos ka lang?" I blinked twice at napailing.
"Hmm.... Nothing... It's just that I didn't expect you here." Naiilang na sabi ko, natawa lang siya pero hindi na siya nagsalita.
He is wearing a semi-formal now, which really suits him. Ang gwapo niya!
Napapaypay ako nang makaramdam ng init. Kumportable naman suot ko, t-shirt at tokong lang naman 'yun pero pinagpapawisan ako! Ano ba Jino?
"Tara na? Mainit ata rito, pinagpapawisan ka na." Kaswal na sabi niya.
Pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Nanlaki ang mga mata ko nang ipinunas niya ang panyo niya sa mukha, noo at leeg ko. Napalunok ako at napaiwas kaagad sa kaniya ng tingin saka naglakad palayo.
"Wait..." Nasa tabi ko na siya. God!
Narinig ko na natawa siya pero hindi ko na iyon pinansin, naiilang talaga ako sa kaniya. Bakit ko ba kasi sinabi iyon? I just sighed to lessen my nervousness.
Habang naglalakad kami sa corridor, ramdam kong gusto niya ako kausapin pero pakiramdam ko rin ay nahihiya siya na sabihin kung ano iyon. Mabuti naman dahil hindi ko pa ata siya kayang makausap nang maayos dahil sobra talaga ako naiilang at nahihiya sa kaniya.
We didn't talk the entire time until we got to our classroom, and it was the most awkward moment of my life. I swear to God...
Nakahinga lang ako ng maluwag nang salubungin kami ni Andrea. She wears a red crop top, high-waisted pants, sneakers, and a white sling bag. Sinalubong niya kami na nakangiti.
"Uy! Magkasabay kayo? Kumusta naman mga frieny ko?"
Isinabit ni Andrea 'yung braso niya sa balikat namin since pumagitna siya. Buti nalang dumating siya para gumaan naman atmosphere ko. She was my life's savior.
Sabay na kaming tatlo umupo tutal magkakatabi lang naman kami. Napatingin pa nga ako kay Mark nang mapansin kong nakatitig siya sa akin. Problema nito? Hindi ba niya naramdaman na ang awkward namin sa isa't-isa kanina? Nakuha pa niya akong titigan.
I furrowed my brows, confused. Why is he staring at me? May dumi ba mukha ko? Panget ba ako? Ano ba 'yan! Ngayon lang ako na-conscious sa itsura ko.
"B-Bakit Mark?" I'm trying to be casual. God, this boy! He still stares at me.
"Ah... Wala naman." He licked his lower lip and bit it, then he smiles at me playfully. I rolled my eyes.
He's acting so weird. Hindi pa nga ako sure kung ano naging reaksiyon niya sa sinabi ko sa kaniya kagabi.
"Good Morning, Class. Have a nice day!"
Natauhan lang ako nang dumating na ang prof namin. Matapos ako kabahan sa kinikilos ni Mark. I realize our first subject today is math. Good morning talaga!
Habang nagkaklase kami sumusulyap-sulyap ako kay Mark. Tinitignan ko kung ano ginagawa niya, nakikinig lang naman siya. Pinaglalaruan din niya iyong hawak niyang ballpen na nakaipit sa index at middle finger niya, pinaikot-ikot niya iyon.

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...