CHAPTER 17

2 1 0
                                    



"Bakit ka nandito?"

Salubong sa akin ni Ada, pumunta ko rito sa kanila pagkatapos namin ni Mark sa mall kumain.

She is wearing a crop top, dolphin shorts and slippers.

Narinig ko rin ang tahol ng mga aso nila kaya napababa ako saglit sa sahig nila at nilaro muna ang mga aso niya. Dalawang Chow Chow 'yon at ang cu-cute nila pareho.

Their house is quite huge too. Ganda nga ng theme ng house nila, para kang nasa Greece, dahil puro Greek furniture ang nasa bahay nila. Well it's all make sense naman dahil ang lola niya ay isang Greek.

"Wala naman may papakita ako sa'yo." I tap the head of the dogs before I stand up and show her the necklace that he gave me.

"OMG! Promise necklace ba 'yan?"

Nilapit niya 'yung mukha niya sa necklace para matignan niya ng maayos.

"Oo. Kanina lang, binigay niya." Umupo kami sa sofa nila.

"Nice, ang ganda!" Nakatingin pa rin siya sa necklace.

"But..." Napatingin siya sa akin.

"But what?"

"I appreciate his gift, but Tito Jorge still doesn't want our relationship. Kahit sabi ni Mark sa'kin na h'wag na ako mag-alala pero still nagwo-worry pa rin ako, Ada."

Napaayos siya ng upo niya.

"Ayon lang..." Natawa siya ng bahagya pero naging seryoso rin bago nagsalita. "You know what... Tito is a good person. He is serious all the time, but he is definitely kind. Baka nabigla lang."

"Sa tingin mo?" She nodded.

"Yup, kilala ko si Tito. Hindi pa ba nasasabi ni Mark sa'yo?"

"Ang alin?" Ano 'yon?

"Ahh! Okay, ayaw ko sa akin manggaling. Basta, Jino promise okay lang kay Tito 'yon, nabigla lang s'ya siguro."

"Sige..." Iyon na lang ang nasabi ko.

Ano kaya 'yon? Ayaw ko naman kasi pilitin sabihin sa'kin ni Mark ang lahat. Hindi namin pine-pressure ang isa't-isa, eh.

Hayaan ko na lang siguro, panghahawakan ko nalang ang sinabi ni Ada. Naniniwala ako kapag si Ada ang nagsabi.

"Gusto mo kumain?" Umiling ako sa kaniya.

"Kumain na kami. Nag-date kami kanina."

"E 'di wow." She rolled her eyes.

"Tangina mo, 'tas doon mo na pala makikita forever mo, eh 'no."

Napakunot ang kilay ni Ada sa'kin sabay suntok nang mahina sa braso ko.

"Kadiri naman 'yong forever. Ni hindi ko nga planong magpakasal! Kadiri!" Pareho kaming natawa.

"Tapos ikaw pala unang kinasal sa ating tatlo!" Mas inasar ko pa siya.

Kumatok naman siya kaagad sa lamesa nila na kahoy.

"Tangina mo!" Natawa ako nang malakas, diring-diri ang itsura niya.

"Bahala ka nga d'yan." Iniwan niya ako rito.

Ako naman ay humiga na muna sa sofa nila at binuksan iyong TV nila.

"Tawagan mo si Blare, papuntahin mo rito. Gagawa ako cocktail." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon.

"Seryoso ba?" Tinanguan niya ako.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon