CHAPTER 72

8 2 0
                                        



"Ahh..."

Napahawak ako sa bandang likod ng bewang ko pati sa balikat ko ng makaramdam ng sakit doon.

Sinubukan kong tumayo sa kama ni Alon pero pagkatayo ko ay mas naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko. Para akong binugbog sa sobrang sakit. Uminat ako para patunugin ang katawan ko at nagawa ko naman.

"Shit, ang sakit." Bulong ko dahil ang sakit talaga ng buong katawan ko.

"Jino, kailangan mong masanay." Bulong ko sa sarili ko bago ko niligpit iyong hinigan ko, iyong kaniya maayos na.

Pagkatapos ko ligpitin ang ginamit kong unan at kumot at napatay ko na rin ang electric fan, lumabas na ako sa kwarto niya. Hinanap ko si Alon sa buong second floor nila pero hindi ko siya makita kaya bumaba na lang ako at doon ko siya nakitang nagluluto.

"Good morning," bati ko sa kaniya. He smiles at me, so I smile at him too, saka ko siya nilapitan. "Where is nanay Lucita?" huminto siya sa pagluluto niya. I think it's a lugaw, kanin kasi siya na may sabaw.

"Nasa pwesto na niya, maagang naghahanda si nanay para makarami araw-araw."

I nodded.

Naalala ko bigla ang wallet ko at phone ko, nabasa 'yon kagabi.

"Ah, Alon." Tawag ko sa kaniya. Bumalik na kasi siya sa pagluluto niya kaya napatingin siya ulit sa akin.

"Bakit?" He said, habang hinahalo iyong niluluto niya.

"Napansin mo ba 'yong phone at wallet ko? Nasa bulsa lang 'yon ng jeans ko kagabi."

"Oo, wait naitabi ko 'yon kagabi." Hininto niya ang ginagawa niya saka siya umalis. Ako naman ay umupo muna sa sofa nila habang hinihintay siya.

"Ito." Iniabot niya sa'kin 'yung phone at wallet ko.

"Salamat, I'll buy some essentials kasi. Saan ba may grocery dito?" Sinimangutan ko siya nang tawanan niya ako.

"Walang grocery na malapit dito. Doon pa sa bayan, kailangan mo pa sumakay ng jeep. Isang oras pa biyahe mo."

Gano'n kalayo?

"Eh, saan ako pwede bumili rito?"

"Samahan kita, may malapit na tindahan dito. Tapusin ko lang 'tong niluluto ko."

"Salamat." I smiled at him.

Dali-dali siyang tumakbo papunta sa kusina. Kamuntikan pa siyang madapa dahil doon. Napailing na lang ako at natawa dahil sabi niya okay lang daw siya.

Habang hinihintay siya matapos, nagpaalam ako sa kaniya kung pwede ako maghilamos. Pumayag siya kaya dali-dali akong pumunta sa banyo nila. Binuksan ko ang gripo nila saka naglagay sa tabo ng tubig at 'yon ang ginamit kong panghilamos sa mukha ko. I gargle too, kinuha ko ang ginamit kong tuwalya kagabi saka roon nagpunas ng mukha.

"Tara na?" nagulat ako dahil biglang nagsalita si Alon, natatawa naman siyang lumapit sa akin. "Ang magugulatin mo naman."

"Bigla-bigla ka kasi sumusulpot."

Pareho kaming natawa.

"Tara na? Medyo malayo 'yon."

Habang naglalakad kami papunta sa sinasabi ni Alon na tindahan, pasulyap-sulyap ako sa paligid. Na-miss ko tumira dito. Ang kalmado nang paligid... sariwang hangin... tahimik na kapaligiran. Rinig na rinig ko ang mga huni ng ibon that made me calm and happy to hear about.

Matapos ang nangyari, dito agad ako dumiretso. Pilipinas agad ang naisip kong puntahan... dito sa Samar.

Naisip ko pa nga na pumunta sa rest house namin pero naisip ko na may possibility na ma-trace nila ako kapag doon ako nag-stay kaya dumiretso na lang ako rito sa may dagat.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon