"I'm sorry, Mark... Andrea... Blare... Edric... Eric... Dom..."
Ibinato ko sa dagat ang hawak kong bato.
Napangiti pa ako ng kaunti dahil nag-bounce ng tatlong beses iyong bato na tinapon ko sa tubig.
Ngunit nawala lang ito ng maalala ko na naman ang nangyayari.
I left him.
I left my love.
Napaupo ako sa buhanginan, babagsak na naman ang mga luha ko.
Ang bigat sa puso.
"Sorry, Mark." Napahawak ako sa mukha ko, umiiyak na naman ako.
"Akala ko ba mahal mo ako?"
I removed my hands from my face when I heard his voice... his beautiful voice. Pagkatingin ko sa gilid ko, nakita ko siya na nakaupo sa tabi ko habang nakatingin sa palubog na araw. Mas lalo akong naiyak.
"Love," tawag ko sa kaniya, pero nang papalapit na sana ako sa kaniya bigla siyang naglaho na parang bula.
I wiped my tears, "Nagha-hallucinate ka na Jino." Bulong ko.
Natawa na lang ako sa sarili ko, at tumingin doon sa araw.
"Ang lungkot mo pagmasdan." Sabi ko sa araw, sabay tulo ng luha ko. "Dito... Dito ko pangarap ikasal sa kaniya." I wiped my tears.
Kasal na hindi ko na mararanasan... Akala ko siya na, akala ko panghambuhay na kami. Grabe mahal na mahal ko siya kaya sobrang sakit para sa'kin ang nangyari. Hindi pa nagsi-sink in sa'kin na nagaganap ang lahat ng iyon.
Ang saya pa namin, eh. Nagpropose na siya sa'kin. May plano na kami. Pero wala pala talagang permanente, tangina.
Totoo pala 'yon?
The life we have there seems to be absolutely ideal. I've relied on them. I used to have a life with them and was happy to have them, but now it's all gone in the blink of an eye.
"Alagaan niyo ang isa't-isa, Ada at Mark."
Humiga ako sa buhanginan at doon muna pinikit ang mga mata ko. Pati mata ko pagod na.
Pagod na pagod na ako... Kailangan ko siya, gusto ko siya mayakap. Gusto ko maramdaman muli iyong haplos niya, iyong init niya sa tuwing niyayakap niya ako. Miss ko na mahal ko... Miss na miss ko na siya.
Kahit nakapikit ako, alam kong tuloy-tuloy lang ang luhang lumalabas sa mga mata ko. Ito na lang meron ako, wala na sa akin lahat. Hindi ko alam kung kailan ko ulit sila makikita, pamilya ko, hindi ko alam kung kailan.
Kinalma ko na lang ang sarili ko, gusto ko kumalma kahit ngayon lang. Makalimutan sandali ang lahat, napapagod na ako mag-isip nang mag-isip.
Gusto ko na magpahinga.
Now I can feel the breeze caressing my entire body. For a little moment, it provided me solace and an escape from the anguish. I heard the wind whispering in my ears, telling me that I needed to be strong. I can hear them encouraging me and feel like I have a lot of support behind me. That makes me feel a bit better.
At that moment, I also whispered to the air that I wanted to be with him... If only in my dreams to do our plan that we already planned for us... Without the pain I used to feel right now... Just in the dream, I want to be with him and feel like he is only with me... only for me.
"Love, look... It suits you."
"You look perfect, love. I can't wait to see you wearing that with me, saying our vows together."
![](https://img.wattpad.com/cover/284658068-288-k537333.jpg)
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Narrativa generaleHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...