CHAPTER 86

3 1 0
                                        



tw: mention suicide


"Happy anniversary sa atin, mahal ko!"

Niyakap niya ako nang mahigpit matapos niya sabihin sa akin 'yon. Ganoon din ang ginawa ko sa kaniya.

"Ha? Hunyo pa anibersaryo natin."

"Alam ko iyon. Gusto ko lang batiin nang ganitong kaaga." Natawang sabi niya.

"Ang tagal na natin, 'no?" I smiled at him.

"Isipin mo 'yun, natagalan mo ako!" I chuckled. "Salamat, natagalan mo ang ugali ko." I chuckled again habang nakayakap ako sa leeg niya, siya naman ay nakapulupot ang buong kamay niya sa bewang ko.

He likes hugging, holding, or even touching my waist all the time. Nare-relax daw siya roon.

"Oo naman, mahal na mahal kita, e." He kissed me. "I love you." He kissed me again. "Hanggang habambuhay na 'to." Natawa muna siya bago niya ako hinalikan ulit.

"Isa pa." I said, ginawa naman niya.

"Tara na, baba na tayo." Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya, bago kami lumabas ng kwarto at sabay nang bumaba, kakagising lang namin. Nakatulog kami kaninang tanghali kaya hapon na kami nagising.

Holiday ngayon, holy week. Wala kaming pasok sa resto bar ng buong linggo. Pagkababa namin naabutan namin si Nanay Lucita sa terrace kasama mga kapitbahay namin, may pabasa sila ngayon.

"Sa labas muna kayo, apo, anak." Tinanguan namin si Nanay.

"Opo, nandiyan lang po kami. Tawagan niyo lang po kami kung kailangan niyo ng tulong." Lumapit kami kay nanay at nagmano.

"Doon sa Huebes na araw ginawa rin niya naman mga hayop isdang tunay, ibon sa hangin ang tahan isda'y sa tubig ang bahay."

"Kaawaan kayo ng Diyos." Nakangiting sabi ni nanay sa amin.

Lumabas na kami, dahan-dahan lang lakad namin. Kumaway pa kami sa mga kapitbahay namin bago kami tuluyang lumabas ng bahay at dumiretso roon sa beach.

Walang tao ngayon kasi nga holiday, pero may mga turista pa rin. Sila ang mga naabutan ng pre-holiday. Tutal wala naman kami magawa, naglakad-lakad na lang kami sa buhanginan habang hawak-hawak ang kamay ng isa't-isa.

Payapa ang isla, dahil walang tao kaya masarap maglakad-lakad. Hindi pangkaraniwan ang ganito pangyayari rito sa isla.

"Alon," I call him, tumingin siya agad sa akin. Napangiti pa ako pagkaharap niya dahil hinahawi nang hangin ang buhok niya, cute niya. Nakasingkit pa ang mga mata niya dahil tirik ang araw ngayon, magaalas-kwatro na kasi, katirikan talaga ng araw kapag mga ganitong oras na.

"Bakit?" He stares at me, waiting for my response.

"Tara sa rest house?"

Since wala naman kami ginagawa why not pumunta na muna kami roon. Ilang buwan na rin ang huling beses kami bumisita sa mansion. Hindi rin naman naming alam kung saan pupunta dahil lahat ng mga establishment dito ay sarado.

"Pwede naman, miss ko na si Mio!"

"Tara,"

Huminto na kami sa paglalakad namin bago kami lumiko, papunta roon sa may way namin sa shortcut papunta sa rest house. Siya nagturo sa akin nitong shortcut papunta roon.

Dingdong

We waited for Ate Det to open the gate. It took a few seconds before she opened the gate, finally. Napakunot ang kilay ni Ate Det nang makita niya kami ngayon. Hindi ko naman siya masisisi, kasama sa usapan namin na bago kami pumunta rito, aabisuhan ko si Ate Det muna pero biglaan lang kasi ngayon kaya nakaligtaan ko rin na abisuhan si Ate Det.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon