CHAPTER 48

38 1 0
                                    



"Good morning!"

Napangiti ako pagkakita ko sa screen 'yung napakagwapo niyang mukha, nakabungad 'yon 'tas nakangiti pa siya.

What a beautiful scenery this early in the morning.

Naisipan ko siyang tawagan habang nagbibihis ako dahil wala lang, gusto ko lang siya makita ngayong napakagandang umaga.

[Good morning din.] Sabi niya habang binubutones ang polo niya.

"Are you ready?" tanong ko habang sinusuot 'yung pants ko.

[Nervous, final examination na natin!]

May kaba nga sa boses niya, bakas e.

"Kaya natin 'yon."

Sunod kong sinuot ang necktie ko, pumunta ako sa salamin para doon suotin ang necktie ko.

Nang masuot ko na ang necktie ko, buhok ko naman ang inayos ko, sinuklayan ko iyon nang maayos saka ako nagpulbo ng mukha.

Patapos na ako mag-ayos kaya kinuha ko na ang gamit ko. Kaunti lang ang dala ko ngayon, exam lang naman din buong linggo.

[Patayin ko na, ah. Magkikita naman tayo mamaya.]

Hindi ko na nasabi ang sasabihin ko sana nang patayin na niya ang tawag ko. Hinayaan ko na lang dahil magkikita nga naman na kami mamaya. Gusto ko lang talaga siya makita.

Nang okay na ako, lumabas na ako sa loob ng kwarto ko.

"Tara na?" salubong ni Andrea pagkababa ako galing kwarto.

Katulad ko wala rin sila gaano na dala, wala sila sa school mamaya kaya hindi kami sabay uuwi mamaya.

"Saan ba kayo dederetso?" Tanong ko pagpasok namin sa loob ng van.

Magkatabi kami ni Andrea habang si Mark ang driver, si Jino nasa shotgun seat.

"Sa school muna 'tas may service naman ang school papuntang kumpanya na pagpapraktisan namin." Sabi ni Ada habang umiinom nang sterilized milk, favorite niya 'yan.

"Okay, good luck sa inyo."

"Good luck din sa'yo!"

Hindi ko nasagot si Ada dahil biglang tumunog 'yong phone ko.

Tinignan ko kaagad 'yon, I smiled, si Edric nag-text.

From: Edric

we're here at the back.

Napatingin ako sa likod, at totoo nga sila 'yung nasa likuran namin.

Kinalabit ko si Ada at sinabing nasa likuran lang namin sila Edric, kumaway si Ada sa kanila kahit alam niyang hindi siya makikita na kumaway, tinted kasi 'tong van.

To: Edric

ingat kayo see u mamaya

Nang makarating na kami sa school, hindi ko na nakasabay sila Jino papasok dahil muntik na silang maiwan ng service nila, late na pala kami. Hinintay ko na lang si Edric sa entrance ng carpark since kasunod lang naman namin sila kanina.

Finally. I saw him wearing our uniform.

Nginitian niya ako at agad akong nilapitan. Nakipag-fist bump pa ako kay Eric saka niya iniwan sa'kin si Edric.

He gave me a kiss on my cheeks that made me blush.

Halos ilang linggo na rin ang nakalipas nang umamin ako sa kaniya. Whenever we see each other, especially I, I can't control myself but to feel the butterflies. His presence made me feel that.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon