"Ahh!! 'Yong ulo ko!"
Napahawak ako sa ulo ko nang pagkadilat ko ay nakaramdam ako ng pananakit ng ulo.
"You were drunk. Kayong dalawa ni Andrea."
Pagkasabi niya nu'n inabutan niya ako ng isang basong tubig.
"What? Bakit?" Sabi ko pagkatapos ko inumin 'yung binigay niyang tubig, pero masakit pa rin ang ulo ko.
"Don't say anything, okay?" pinasandal niya ako sa kama. "Pareho kayong lasing ni Andrea kagabi. Napagalitan pa tayo ni Ate Jane at Kuya James ." There's worry in his eyes.
"Saan si Ada?"
"Nasa kama, nakatulala kanina pa gano'n 'yon."
"Weh?" tinanguan niya ako.
Now I'm convinced, sobrang lasing namin kagabi. Kasi kapag sobrang lasing namin ni Andrea asahan mo pagkagising sa umaga nakatulala siya. Ilang oras siyang ganiyan kaya walang kumakausap sa kaniya kapag nakatulala nang ganiyan dahil maba-badtrip siya buong araw.
"You shouldn't talk to her, or you'll regret it."
Tinanguan niya ako. "Tar-" Sabay kaming napatingin ni Mark sa pinto nang magbukas 'yon.
"Kain na raw." Si Blare iyon, mukhang bagong ligo pa siya.
"Okay." Tinulungan ako ni Mark na tumayo sa kama. Ang sakit talaga ng ulo ko.
Inalalayan niya ako hanggang makababa kami sa baba hanggang sa dining table kung saan namin naabutan sina Ate at Kuya.
"Lasing pa sige, sumbong kita kay Mommy."
Salubong agad sa akin ni Ate.
"So... what happened with you guys last night, huh?" Seryosong nakatingin si Kuya sa akin.
"Like you don't already know. For sure sinabi na ni Blare at Mark kagabi."
Wow, ah! Ang sungit ko sa part na 'yon. Ang sakit kasi ng ulo ko 'tas iyon ang bumungad.
"Yeah, but you need to be careful with your actions next time, Jino. Iiwan ko kayo sa California 'tas malalaman ko na lang na ganiyan pala behavior n'yo when you all were drunk!" He exclaimed.
"I know! Don't worry, okay?!"
Ang aga-aga sermon agad.
"Love, that's unacceptable! Lower your voice."
"Bakit niyo ba ako pinapagalitan?" Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang magsalita si Ate.
"Bunso! That's too much. We are just worried about all of you, especially you and Andrea. Walang nakakatandang titingin sa inyo rito."
"I said don't worry, Ate. Ang kulit!" Tumayo na ako nang tuluyan sabay alis paakyat sa kwarto kung nasaan si Ada ngayon.
"Jino, get back here!"
Narinig kong sigaw ni Kuya, hindi ko na pinansin 'yon dahil biglang sumakit 'yong ulo ko. Bahala na, sinara ko na 'yong kwarto. Naabutan ko si Ada na nakatulala talaga habang ako ay binagsak ang sarili ko sa kama sabay buntong-hininga.
"Ada," napatingin ako sa kaniya "Pinagalitan ako... Bakit kasi naglasing tayo kagabi?"
"Ngayon na lang kami nagkita ulit nina Kuya at Ate, naaway ko pa! I'll go apologize to them." Natawa ako sa sarili ko nang ma-realize ko na para akong kumakausap sa hangin. Hindi ako naririnig ni Ada.
Tumayo na ako at bumaba na ulit para mag-sorry pero nang makababa ako naabutan kong may hawak ng phone si Kuya at guess what kausap na niya sina Mommy and Daddy through video call at nagsusumbong.
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...
