tw: blood, abuse, curse, physical fight, torture.
Blare POV
Pagkarating namin sa hospital itinakbo kaagad nila si Jino sa emergency room para maagaran ng lunas. I'm so worried, habang nasa b'yahe kami kanina hindi ko mapigilan maiyak.
Nagfa-flashback lahat ng nangyari noon.
Ayaw—Ayaw ko na maulit 'yon. Hindi ko na kakayanin, sobrang halaga niya sa'kin. Hindi ko alam gagawin ko kung mawawala siya sa akin.
"Doc, please do everything for him." Nagmamakaawang sabi ni Mark.
Hindi ko maisip kung paano kami humantong sa ganito.
Kasalanan nina Chloe ito!
Nakakagalit, tao pa ba sila?
Anong ginawa namin para gawin nila ito sa amin? Kay Jino?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umalis na sa hospital.
Babalikan ko sila! Hindi ako papayag na si Jino lang ang nasa hospital ngayon. Nakakagalit! Napakasama nila.
"Blare!"
Nasa labas na ako ng hospital nang pigilan ako ni Andrea, pinaharap n'ya ako sa kaniya.
"Hindi ka aalis! Hindi mo sila pupuntahan, naiintindihan mo?" may namumuong luha sa mga mata n'ya.
"Hindi, Ada! Hindi deserve ni Jino 'to! Ipaghihiganti ko siya."
"Galit din ako Blare, pero hindi ako papayag na pati ikaw ay mapahawak dahil gusto mong ipaghiganti si Jino."
Umiyak na siya, napakagat ako sa ibabang labi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.
"H-Hindi ko na kakayanin kung, pati ikaw mapapahamak din." Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin. "Kailangan tayo ni Jino," umiyak siya lalo kaya hindi ko na rin napigilan umiyak.
Seeing her like this and thinking about what happened to Jino, it broke my heart. I don't want to see Andrea crying and Jino like that. They're so special to me!
Wala tuloy akong ibang nararamdaman ngayon kun'di galit kay Zoe at Chloe. Sila ang dahilan kung bakit umiiyak ngayon ang isa sa pinakamahalagang babae sa buhay ko at kung bakit nasa hospital ang lalaking pinakamamahal ko.
"Don't cry na, Ada." Niyakap ko siya, she hugs me back.
"Naiintindihan kita, Blare. Pero sa ngayon, kailangan tayo ni Jino. Kailangan makita n'ya tayong malakas, para sa kaniya."
"Hindi ko s'ya naprotektahan, Ada. Sinisisi ko sarili ko. Natatakot ako, hindi... hindi ko kakayanin, may mangyaring masama sa kaniya. Ang sakit, Ada..."
"Shush... Wala kang kasalanan at higit sa lahat walang mangyayaring masama kay Jino. You know him, right? He is a strong man." She taps my back and gives me a calming caress.
"Hindi ko na talaga dapat pinatulan si Chloe kanina." I still blame myself! Dapat nakinig na lang ako kay Edric.
"Sabi ko 'di ba," kumalas na siya sa akin. "H'wag mong sisihin ang sarili mo." Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara na, kailangan pa tayo ng isa pa natin kaibigan doon."
Mark POV
Napatingin ako sa bandang kaliwa ko nang mapansin ko sina Andrea at Blare papalapit na rito. Nag-aalala rin ako sa kanila, may mga pasa at sugat din sila.

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...