CHAPTER 57

3 0 0
                                        


Joke?

Simula nang magkagan'yan siya nadadalas na siyang magbiro patungkol sa sakit niya. Minsan kapag nagsasabi siya na 'mamatay din naman tayong lahat' nasasaktan ako roon. Akala niya biro lang ang nangyayari sa kaniya ngayon.

Nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang nanghihina.

kapag umaatake iyong pagsusuka at pananakit ng kasukasuan niya, kinakabahan ako. Walang araw ang hindi nagpapakita ang mga symptoms niya buti raw sabi ng doctor wala pa siya sa stage kung saan kailangan niya mag-isolate kasi once na makalanghap lang siya ng alikabok magkakasakit na siya agad kaya palagi siyang may face-mask, ngayon lang wala, hinubad lang niya kasi kanina pa niya suot 'yon.

Tapos kung makapagbiro pa siya parang kabiro-biro ang sakit na meron siya.

"Sabi ni Mommy Khim, they will be back here next week kasama na nila si Mang Berto at Pamilya ni Calyn. So prepare yourself, love. I'm hoping for the best."

Tumango lang siya sa akin.

"Dalhin ko lang 'to." Napatingin ako kay Angelo nang magsalita siya, tapos na siya kumain. Nakatayo na siya at akma nang maglalakad nang pigilan ko siya.

"Ako na maglalagay." Pinigilan niya ako.

"Okay lang, kailangan ko rin gumamit ng rest room."

"Lambingin mo muna 'yan. Toyoin, panget mo p're!"

I bit my lower lip to hold my laugh, totoo naman kasi.

"Umalis ka dito."

"Pabebe ka, pre." Natawa naman kaming lahat, do'n na rin umalis si Angelo.

"He looks familiar talaga,"

Napatingin ako kay Ada, nakahawak siya sa baba niya habang may iniisip. "

Parang nakita ko na siya somewhere."

"Kanina pa niya 'yan, iniisip."

"Eh, babe, pamilyar kasi talaga siya."

"Si Angelo?" tanong ko kay Ada.

"Yes," nagiisip pa rin siya. "Oo! Siya 'yon! Iyong lalaking pasilip-silip sa gawi natin, Jino!" Kumunot ang kilay ko.

"Ah?"

Tumango siya, nakangiti.

"Tama! Siya 'yong madaldal na kasama mo, Mark. Siya 'yong lalaking walang tigil kakasalita pero ikaw nakatingin lang sa gawi namin. Gago, oo! Kayo 'yon."

Nagkatinginan tuloy kami ni Mark.

"Ah? Nakita mo na ako sa school?"

"Oo, Mark, malamang. May mata rin ako, ano ba 'yan? Tanga!"

I closed my mouth to stop laughing.

"Pasilip-silip kayo sa gawi namin, pero ang layo niyo kasi kaya hindi ko rin naaninag ang mukha mo. Hindi ko rin naman in-assume na ikaw agad 'yong kababata ko dati,"

"Tangina mo ba't 'di mo agad sinabi sa'kin? E 'di sana, nakita ko na siya bago ako nainis dito dahil binangga niya ako sa C.R.!"

"Aba? Kasalanan ko bang maarte ka? Nabangga ka lang, naginarte ka na?"

Natawa silang lahat.

"Pogi kaya niya noon. Sungit-sungit lang pero sobrang cute niya kapag nakasalubong na kilay kapag nakikita niya ako."

Tumawa siya!

"Oo nag-inarte. Tawang-tawa nga ako diyan, tiklop..."

"Pakyu, Ada!" tinawanan niya ako, nahihiya ako.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon