"Pinipisakan Falls tayo."
Dito niya ako dinala sa isang tahimik at nakakamanghang tanawin. Malapit lang ito sa isla.
Ngayon lang ako nakapunta rito kaya namamangha ako sa nakikita ko. Nakaramdam din ako ng gaan sa pakiramdam nang makita at marinig ko ang agos ng tubig galing sa bundok.
"Palagi ako nandito kapag mabigat ang pakiramdam ko. Napapakalma ako ng tubig."
Napangiti ako sa sinabi niya, ramdam ko kung ano ang ibig sabihin niya.
"Maraming salamat, Alon."
He smiled at me.
"Para sa'yo." Hinigpitan niya lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago siya naglakad, sinundan ko siya. "Huwag kang bibitaw sa akin."
"Hindi talaga."
Narinig ko ang tawa niya pero hindi ko na 'yon pinansan dahil nag-iingat ako maglakad dahil madulas ang dinadaanan namin. Inaalalayan naman niya ako pero kahit na ganoon kailangan ko pa rin mag-ingat, mahirap na baka mahulog ako, kami.
"Upo ka."
Narito na kami ngayon sa kabilang side ng falls kung saan medyo tuyo at hindi madulas matapos nami suungin ang napakadulas na daan kanina. Ilang beses pa akong nadulas kaya tawa kami nang tawa ni Alon habang naglalakad.
Habang paupo ako sa bato na tinuro ni Alon na upuan ko, nakatingin lang ako sa talon. I breathe in. Ang calming pagmasdan at pakinggan ng talon habang umaagos ito. The way it flows from the mountain gives me a sense of ease.
Sandali kaming natahimik...
Ayon kasi kay Alon mas mararamdaman ko raw ang presensya ng kalikasan kong tahimik lang kami.
"Para sa akin... Ang bawat dagat, talon, at ilog ay isang palatandaan ni Inang Kalikasan na ang buhay ay parang tubig."
Napatingin ako sa kaniya nang basagin niya ang katahimikan na nabalot sa amin.
"Sa buhay kung hindi mo ito dadaanan, parang walang kwenta, katulad ng talon." Tinuro niya iyong talon na nasa harapan namin bago niya ibinalik ang tingin sa akin.
"Ang pangit tignan niyan kung naka-stock lang ang tubig sa bundok at hindi siya umaagos, pero kung aagos 'yan at dadaan ang ganda tignan, 'di ba?"
Tumango ako.
"Ganoon din sa buhay, walang kwenta ang buhay kung hihinto ka lang sa pagdaloy. Hindi ka uunlad kung wala kang gagawin. Parang tubig ulit, tubig sa ilog. Malaking bahagi sa buhay natin ay nasa ilog. Mga pagkain kagaya ng isda, mga sea foods at marami pang iba. May hanap-buhay din diyan."
"Pero kung wala tayong ginawa para kilalanin ang ilog na 'yan, hindi natin malalaman na mabubuhay tayo sa ilog... Ang gusto ko lang sabihin, Jino. Kung wala kang gagawin para ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman mo ikaw lang din mahihirapan. Ikaw lang..." Mas lumapit siya sa akin.
"Ikaw lang makakatulong sa sarili mo para makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, kami naman ay susuporta lang sa'yo."
Matapos sabihin ni Alon lahat ng 'yon; I realized what he wanted me to do. I need to let go of all my pain and burdens from my past. I need to let go of him, especially now he is already married. I need to forget about him.
Tinanguan ko si Alon bago ako tumayo sa kinauupuan ko.
He's right... I need to do the next right thing. If I wanted to be free, I had to let go of the memories.
I sighed as I held our engagement ring. Pinagmasdan ko ang singsing sa huling pagkakataon bago ko hinubad sa daliri ko.
"Tama ka, Alon. I needed to let go of all of our memories. I needed to forget about him so I could be happy again and live a life without thinking about him."
BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
General FictionJino is his name. A guy that you can't resist. Good-looking, playful, and easy-going as fuck. He doesn't give a damn about his fine life, because the only thing that matters to him is having fun. Seriously... No, that's not in his vocabulary. What w...