CHAPTER 44

34 1 0
                                        



Blare POV

"Ahh... Fuck! 'yong ulo ko!"

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko ng makaramdam ng sakit sa ulo. Ano nangyari kagabi?

I try to remember what happened last night... fuck! I can't! Naparami ba ako ng inom? Basta ang alam ko lang kasama ko si Edric kagabi.

"Shit! Ano nangyari kagabi? Paano ako nakauwi di- Ahh!!" Napahawak ulit ako sa ulo ko at napapikit. "'Yong ulo ko tangina! Ang sakit!" Minasahe ko muna saglit 'yun baka mabawasan.

Hindi na ako tumayo dahil umiikot ang paningin ko kaya tumingin na lang ako sa kisame ng kwarto para ma-relax ako habang minamasahe iyon.

Knock

Napatingin ako sa pinto ng k'warto ko nang may kumatok doon.

"Pasok."

Si Ada, dali-dali niya akong pinuntahan nang makita niya ako, umupo siya sa tabi ko.

"Ada?" She still is wearing her night gown.

"Kumusta ka na?"

I formed a small smile as response.

"Masakit ulo ko, Ada. Ano ba nangyari kagabi?" Napakunot ang kilay ko nang bigla siya tumingin sa pintuan kaya napaupo ako ng bahagya sa kama ko. Sinisiguro niya ata na ni-lock niya iyon. "Ano ba meron?" Pagtataka ko, naweweirduhan ako sa kinikilos niya.

"Gaga ka akala ko ba, wala ka ng nararamdam kay Jino?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ah? Bakit?" tangina na sabi ko ba? Gago sana hindi!

"Hindi ko alam kung ano pinagsasasabi mo kay Jino kagabi habang binibihisan kaniya, pero sabi niya may binabanggit ka daw, na mahal ko pa siya gano'n-gano'n. Gago ka?"

"Tangina!" Napasapo ako sa noo ko.

"Nagtatampo si Jino sa'yo alam mo ba, kagabi pa, dahil wala ka na daw sinasabi sa kaniya."

Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga pinagsasasabi ni Ada.

Ang tanga mo Blare hindi ka nag-iingat.

"Nasabi ko ba pangalan niya?" Tanong ko sa kaniya. I'm hoping I didn't say his name. Please!

"Hindi ko alam pero base sa kwento niya kagabi clueless siya. Si Edric ang tinanong niya kung may binanggit ba daw ikaw sa kaniya pero wala din daw sabi ni Edric, clueless din siya."

Gumaan ang pakiramdam ko roon, hindi ako nilaglag ni Edric.

"Thank, God. Hindi ako nilaglag ni Edric."

Her brows furrowed when she heard that from me. Hindi nga pala niya alam, na alam ni Edric.

"Ah? Bakit alam ba ni Edric?"

Tumango ako.

"Oo, sinabi ko sa kaniya."

Napakamot siya sa ulo niya.

"So sino pa nakakaalam?"

Sila lang naman kaya napailing ako, "Kayo lang." Tumango siya.

"Okay, bakit ka ba kasi naglasing ng ganoon kagabi?" Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at hindi nagsalita. "Ano nga?" Hinampas niya ang braso ko.

"I saw them last night... They had already made a promise to each other. I don't know, but I felt hurt when I saw it."

Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon