CHAPTER 8

88 4 0
                                        


"Careful, love!"

I don't know what happened to him, but he suddenly became playful. Kakapasok lang namin sa MOA Eye nang sabihin niya iyon sa akin, akala niya natuwa ako roon pero hindi talaga dahil napaka-random niya. 

Napagpasiyahan namin dalawa na sumakay rito. Balita ko kasi makikita raw dito ang buong seaside at SM MOA mismo sa tuktok nito. It's kinda interesting.

He talked a lot, actually. He kept teasing me like a little boy who wants to annoy his older sibling. Random chats lang naman iyon pero pakiramdam ko hindi siya random for him. Kung paano niya ako kausapin ngayon naghahanap siya ng assurance tungkol sa nangyari sa amin kanina. 

Hindi niya man sabihin sa akin iyon directly, hindi iyon matago nang mga mata niya. Hindi ko naman alam kung paano magre-response sa mga sinasabi niya dahil may ilang pa rin akong nararamdaman. 

Gusto kong makipag-usap sa kaniya, kaya nga tinatry ko ring i-reciprocate iyong energy niya. 

"You know what? I read in an article recently that the SM MOA Eye was created for couples. Now I'm wondering—since we're already here, does that mean we're a couple?" Natawa siya sa sinabi niya. 

Gosh, this boy! 

"Pabasa ako ng article." Medyo at ease na ako makipagbardagulan sa kaniya dahil naka-isang ikot na kami. Matagal-tagal pa kami rito dahil gustong sulitin ni Mark ang gabi na ito na kasama ako. "Gusto ko lang basahin din para maniwala ako." 

"Don't you trust me?" Inismiran niya ako. 

Kukunin na sana niya ang phone niya sa bulsa ngunit pinigilan ko siya, "I trust you. Oo na. Naniniwala naman ako." 

Bakit hindi ako manalo sa kaniya? 

"See? Hindi kita kayang lokohin, no. Sabi pa nga sa article madalas pang mag-kiss mga couple na sumasakay dito." 

Talagang sinabi niya iyon in front of me, huh? 

"Whatever." Pinutol ko na dahil baka kung saan pa humantong ang usapin namin na iyon. "Let's appreciate the view. It's once in a life time experience. Malay mo ito na pala huling beses na makakasakay tayo rito." 

Hindi ko na hinintay kong may sasabihin siya sa sinabi ko bagkus ay tinuon ko na lang ang sarili ko sa view. Sobrang ganda talaga niya at na-appreciate ko lahat nang nakikita ko. It's my first time here kaya hindi ko matago ang paghanga ko sa nakikita kong view from here. 

Mayamaya napatingin ako sa kaniya dahil nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ba 'to nagsasawa sa mukha ko?

"Let's enjoy the moment. H'wag ako ang titigan mo." 

Natawa lang siya. "You're the view I want to stare at. I'm happy with you, Jino. A dream of mine that came true."

Hindi ko pinansin iyong sinabi niya at tumingin na lang ulit sa paligid.

Pero sa totoo lang, masaya rin naman ako. Hindi ko nga alam kung bakit ganito nararamdaman ko kanina pa.

Pagkatapos niya mag-confess, inaya niya ako sa kung saan-saan dito sa seaside. Sumakay kami sa iba't-ibang rides. He bought me food, a takoyaki.

Tawang-tawa ako sa kaniya kanina kasi muntikan pa niyang hindi masubo iyong takoyaki niya dahil biglang bumitaw iyon sa stick na hawak niya, buti mabilis ang bibig niya kaya nakainin niya kaagad.

Ang saya lang, ang saya niya pala kasama. 

Masaya naman ako kasama mga kaibigan ko, pero iba naramdam ko noong siya ang kasama ko. Hindi ko alam, baka ibang uri lang ng saya iyon kasama ang kaibigan mo.

A Diamond Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon