"I wanna see you..."
I whispered as I stared at the sun starting to set.
Why does the sun always set whenever I miss my love?
The sun is seems comforting me.
"He likes you so much, do you know that?" I laugh painfully. "All natural objects that he can see in the sky are his favorites. Kaya ba malungkot ka rin ngayon, Araw?"
Pinagmamasdan ko lang ang araw habang nakaupo rito sa dalampasigan, nararamdaman pa ang hampas nang tubig, hanggang mawala ang liwanag nito na bumabalot sa buong isla.
Gabi na naman.Pang ilang gabi na ba ito na wala sa tabi ko ang mahal ko? Hindi ko na mabilang...
Ang alam ko lang hindi na darating ang araw na makakatabi ko siya muli na pagmasdan ang araw na palubog hanggang makita naman namin ang buwan at mga bituin na kumikinang sa kalangitan.
Kumusta na kaya sila?
Marami akong pagkakataon para tawagan sila at sabihin kung nasaan na ako ngayon pero hindi ko magawa dahil sa tuwing naiisip kong tawagan sila, naalala ko ang banta sa akin ni Lolo Max bago niya ako iwan sa airport.
"Watch your moves, kiddo, or else none of your family and loved ones will still be alive. You know how I can be able to do that. Forget about my grandson now, you and he will never be together. You don't deserve to be happy. You, Mark, Jorge, and even your dad are pathetic gays. I felt bad for your soul."
I fucking hate what Lolo said.
I couldn't imagine that this kind of person really existed in this unfair world. It makes sense, though, since I was living here in this poor and unfortunate world.
"Maayos na ba pakiramdam mo?"
Tumango lang ako bilang tugon sa tanong niya sa akin.
Pero sa totoo lang hindi pa ako okay. Kailangan ko lang ipakita na okay ako kasi wala akong karapatan para maging malungkot. Nakakahiya kasi kina nanay at Alon kung makikita nila akong malungkot at umiiyak.
Hindi bagay sa lugar na ito ang maging malungkot.
"Pwede na ba akong tumabi sa'yo? Nakakangalay rin tumayo, e."
Narinig ko siyang natawa nang mahina.
"Oo naman, dapat nga kanina mo pa 'yan ginawa."
I just felt his warmth after he sat down beside me.
"Ano pakiramdam magmahal?"
He asked all of a sudden. Super random.
"Masaya..." sagot ko.
"...Siguro nga, mukha ka ngang masaya."
Napayakap ako sa tuhod ko nang biglang humampas sa amin ni Alon 'yung tubig, malakas-lakas siya kaya nabasa kami.
"Hmm... Okay lang ba kung tanungin ko sa'yo kung pa'no kayo nagkakilala ng lalakeng tumawag sa'yo? Iyong boyfriend mo."
"Oo naman." Nanatili akong nakatingin sa kawalan.Gusto ko iguhit sa isipan ko ang mukha niya, ang mga ngiti niya na gustong-gusto ko palaging nakikita, lalo ang napakaganda niyang mga mata na kumikinang sa tuwing nakatingin siya sa akin.
"Unang araw ng pasukan namin sa college nang una kami magkakilala. Inis pa nga ako sa kaniya noon dahil ang yabang niya," natawa ako. Naalala ko kung paano ako mainis sa kaniya.
"Ayaw ko sa kaniya noon but due to a mutual acquaintance, we've had a chance to get to know each other."
"Siya umamin sa akin." I smiled. "Alam mo ba na gustong-gusto kong marinig sa kaniya iyon? Kaso in denial lang talaga ako kasi akala ko straight ako. I'm only into girls. Hindi ako nauubusan ng babae noon, kaya gulat din ako sa sarili ko na masaya akong umamin siya sa akin."
"Maraming nangyari, Alon... All of those memories are for keeps. I won't forget how we used to love each other, but... for me to help myself I need to let go those memories."
"Sa'n ka pupunta?"
Hindi ko siya sinunod at dumeretso lang papunta sa dagat.
Dahan-dahan kong inangat ang mga kamay ko, kapantay ng balikat sabay buntong-hininga. Pinakiramdaman ko ang hangin na yumayakap sa akin at hinayaan silang tangayin ang mga alala namin na ngayon ay aking pinapakawalan na.

BINABASA MO ANG
A Diamond Between Us
Художественная прозаHis name is Jino. The kind of guy you can't resist-good-looking, playful, and easy-going as hell. He doesn't care about his perfect life because, to him, the only thing that matters is having fun. Seriously... responsibility? That's not even in his...